Batangueño Best Male Speaker sa Thailand debate, Kinilala ng Batangas Capitol

Batangueño Senior Citizens’ Week 2018, ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan
October 30, 2018
Sen. JV, Naging Bisita sa Educational Assistance Distribution
October 30, 2018

October 30, 2018

Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas si John Raphael D. Abu ng Lyceum of the Philippines University Batangas na tinanghal na Best Male Speaker sa 1st Student English Debating Competition ng Association of Universities of Asia and the Pacific (AUAP) na ginanap sa Bangkok, Thailand noong October 15-20, 2018.

Pinangunahan ni Gov. Dodo Mandanas, kasama sina Provincial Administrator Levi Dimaunahan at 6th District Board Member Lydio Lopez, ang paggagawad ng Sertipiko ng Pagkilala kay Abu, na isang AB Communications student. Kasamang niya sa entablado na tumanggap ng sertipiko ang kaniyang mga magulang na sina 2nd District Congressman at Deputy Speaker Raneo Abu at Mrs. Maria Paz Abu.

Kabilang si Abu sa LPU Batangas Debate team na dumayos sa bansang Thailand, kasama sina Bianca Jenella Guillo, Jorell Cristopher Johnson at ang coach na si Dr. Arnie Villena. – JJBPascua, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.