Sen. JV, Naging Bisita sa Educational Assistance Distribution

Batangueño Best Male Speaker sa Thailand debate, Kinilala ng Batangas Capitol
October 30, 2018
Panatang Makabata, binigkas sa Kapitolyo bilang pakikiisa sa National Children’s Month Celebration
November 5, 2018

October 30, 2018

Naging panauhin si Sen. JV Ejercito sa Distribution of Educational Assistance ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa ilalim ng Batangas Province Scholarship Program, na isinagawa sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika-29 ng Oktubre 2018.

Kaharap ang mahigit 600 na mga iskolar ng Lalawigan ng Batangas, naging topic ng talumpati ang “The Road to Sustainable and Inclusive Economic Growth”, kung saan binalangkas ng senador ang kakayahan ng Pilipinas na makipagsabayan sa pandaigdigang ekonomiya sa darating na panahon. Aniya, malaki ang magiging bahagi ng kabataang Batangueño sa magiging pagbabago ng bansa tungo sa tunay na kaunlaran kaya mahalagang pagtuunan ng pansin ang edukasyon sa lalawigan.

Nagkaroon din ng open forum matapos ang pananalita ni Sen. Ejercito, kasama sina Provincial School Board – Scholarship Head, Mrs. Merlita Pasatiempo, at mga executive assistants ni Gov. Dodo Mandanas, kung saan nagkaroon ng palitan ng mga kuro-kuro at malayang talakayan. JJBPascua, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.