Batangas Provincial Council for the Protection of Children, nag-ulat ng mga accomplishments at plano

Batangas Provincial Contingency Plan for Tsunami, aprubado na
June 4, 2019
Mahigit 380K Batangueño Students sa mga pampublikong paaralan, balik eskwela na DepEd Batangas, tiniyak ang kahandaan para sa AY 2019 – 2020
June 4, 2019

June 4, 2019

Sa layunin na mabigyan ng sapat na atensyon ang pangangalaga ng mga kabataan sa Lalawigan ng Batangas, patuloy na isinasagawa ng Provincial Council for the Protection of Children (PCPC), sa pangunguna ng tanggapan ng Provincial Social Welfare and Development, ang mga talakayan sa mga kasalukuyang accomplishments at mga isinasagawang hakbangin upang mas mapaigting pa ang mga programang nakatuon dito.

Isang pagtitipon ng Batangas PCPC ang idinaos sa PSWDO Conference Room noong ika-4 ng Hunyo 2019 at dinaluhan ng mga focal persons at technical working group members ng nasabing konseho, na binubuo ng ilan sa mga departamento ng Pamahalaang Panlalawigan at mga kasaping Non-Government Organizations (NGOs).

Kabilang ang Provincial Health Office sa mga nagbigay ng ulat, kung saan inilahad ang mga naging accomplishments para sa taong 2018. Kabilang dito ang pagsasagawa ng mga feeding programs, pamamahagi ng vitamins, deworming activities, at exclusive breastfeeding.

Napag-usapan din sa kanilang pag-uulat ang tungkol sa paglalagay ng lactation station sa loob ng Kapitolyo para sa mga kawaning ina o kliyente ng gobyerno na kailangang mag-breastfeed ng kanilang mga anak.

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang mga katuwang na NGOs, gaya ng Akapin Batangan, Inc. at Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) Inc., na makapagbahagi ng kanilang magandang adhikain para sa mga kabataang Batangueño.

Batay sa report ng PSWDO, patuloy ang pagbibigay nila ng suporta sa mga Child Development Centers sa buong probinsya, katulad ng pagkakaloob ng budget, honorarium at technical assistance para naman sa mga Child Development Workers.

Samantala, sa huling bahagi ng pagpupulong, binigyang-pansin din ang mga aktibidad na isasagawa para sa gaganaping pagdiriwang ng Provincial at Regional Children’s Month Celebration, kung saan nakapaloob dito ang pagbibigay pagkilala sa mga natatanging Child Development Workers, Child-Friendly Local Governance Units, Child-Friendly Barangays, kasama na rin ang pagpapahayag ng State of Children’s Report para sa nakalipas na taong 2018. ✎ Francis Japor at Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.