Batangas Provincial Contingency Plan for Tsunami, aprubado na

Mga Natatanging Lupong Tagapamayapa sa Lalawigan ng Batangas, kinilala ng DILG
June 3, 2019
Batangas Provincial Council for the Protection of Children, nag-ulat ng mga accomplishments at plano
June 4, 2019

June 4, 2019

Inabrubahan na ang PDRRMC Resolution No. 31 Year 2019 o “Approving the Batangas Provincial Contingency Plan for Tsunami” sa idinaos na 20th regular session ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas noong ikatlo ng Hunyo 2019.

Ang nasabing contingency plan (CP), na binuo ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Batangas Provincial Risk Reduction Management Office (PDRRMO), ay naglalayong higit na patatagin ang kapasidad ng mga miyembro ng PDRRMC pati na rin ng Local Government Units (LGUs) sa gabay ng contingency planning na magtataguyod at magpapatupad ng mga polisiya nang sa gayon ay maprotekahan at matiyak ang “constitutional rights to life and property” sa pamamagitan ng pagpapaigting ng mga panukalang batas at alituntunin bilang pamantayan para sa pangkalahatang kaligtasan kung sakaling magkaroon ng tsunami sa lalawigan.

Bukod dito, inaasahang malaki ang maitutulong nito para sa paghahanda sa kalamidad, pagtiyak na mayroong relief supplies at pagpapatupad ng komprehensibong rehabilitation at recovery measures, lalo’t higit sa kadahilanang maraming coastal areas sa lalawigan.

Kaugnay nito, ang CP ay magiging aktibo lamang kapag nagkaroon ng banta ng tsunami sa lalawigan, na siyang tutukuyin ng DOST-PHIVOLCS, na inilahad sa scenario at assessment nito ang datos na ang 8.2 magnitude na lindol ay maaring magresulta ng tsunami na posibleng makaapekto sa 14 na munisipalidad at isang lungsod sa Batangas.

Maliban sa lindol ay maari ring magsanhi ng tsunami ang submarine o coastal landslides at submarine volcanic eruptions, na higit na mapanganib dahil ang heolohiya ng Batangas ay naiimpluwensyahan ng volcanism, partikular sa Taal Volcano.

Samantala, ang huling naitalang tsunami na nakaapekto sa Pilipinas ay naganap noong 2011 na resulta ng 8.9 magnitude na lindol sa Japan na nakaapekto sa 19 na probinsya sa bansa. Bago ito, matatandaang ang huling tsunami sa bansa na nagkaroon ng aktwal na casualty ay naganap sa Verde Island Passage, na nasa sa pagitan ng Batangas at Mindoro Island, noong taong 1994 na nagtala ng 41 casualty, at bagamat bihirang magkaroon ng tsunami sa bansa, ay hindi ito maaring ipagsawalang bahala, bagkus ay dapat lalo pang paghandaan. ✎ Marinela Jade Maneja– Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.