Batangas Integrated Security and Emergency Response System Itatatag

P10M Provincial Warehouse and Relief Storage Facility Itatayo sa Batangas
June 22, 2017
2nd Quarter Batangas Asin Task Force, Ginanap
June 29, 2017

June 22, 2017

Tinalakay sa isinagawang Batangas Provincial Peace and Order Council ang pagtatatag ng isang response system bilang epektibong pagtugon ng Lalawigan ng Batangas sa peace and order situation at disaster response.

Sa pagpupulong na ginanap noong ika-20 ng Hunyo 2017 sa Bulwagang Batangan ng Kapitolyo sa Batangas City, inilatag ni Batangas Philippine National Police (PNP) Chief Randy Peralta kay Batangas Governor Hermilando Mandanas ang panukalang paglikha ng Batangas Integrated Security and Emergency Response System.

Espesyal na tutugunan ng Batangas Integrated Security and Emergency Response System ang pag-aksyon sa mga security threat sa lalawigan na kinabibilangan ng iba’t-ibang criminal acts, drugs and special laws, environmental crime, human induced and natural Disasters at acts of terrorism and extremism.

Agarang ipinag-utos ni Governor Mandanas ang pagbuo ng isang Technical Working Group na binubuo ng mga kasapi ng PPO Council members, ganun din ng mga kinatawan ng mga lokal na pamahalaan at iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa security and disaster response.

Ang mga ito ang bubuo at maglalatag ng mga organizational structure at security plans ng programa, katuwang ang PNP, Armed Forces of the Philippines at Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office.

Inaasahang sa paglikha ng nasabing Integrated Security System, mapapalakas ng lalawigan ang mga programang pang-seguridad na nangangailangan ng espesyal na atensyon tulad ng pagbabantay sa mga vital economic structures na nakatayo dito tulad ng mga telecommunications facilities, oil depot, power plants at major transportation hubs kagaya ng Batangas International Port.

Batid ng pamunuan ng PPOC ang maaring economic implication na mangyayari sa bansa sa oras na malagay sa alanganin ang mga ito. Ang lalawigan ay tinataguriang “Most Powerful Province” dahil dito nang gagaling ang malaking porsyento ng kuryente at langis na nagbibigay buhay sa komersyo at ekonomiya ng bansa./Edwin V. Zabarte-Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.