2nd Quarter Batangas Asin Task Force, Ginanap

Batangas Integrated Security and Emergency Response System Itatatag
June 22, 2017
B’yaheng Taiwan para Manghikayat ng Investors, Pinangunahan ni Gov. Dodo
June 29, 2017

June 29, 2017

Ginanap ang Batangas Provincial Asin Task Force 2nd Quarter Meeting kahapon ika-29 ng Hunyo 2017 sa Batangas Provincial Health Office (PHO), na pinanguluhan ni Provincial Health Officer Dr. Rosvilinda Ozaeta.

Iniulat ni Ms. Digna Ilustre, Nutritionist Dietician ng PHO, na nagsagawa sila ng mga diyalogo kasama ang mga opisyal ng mga bayan ng Talisay, Calaca, Tanauan City, Balayan, Tuy, Lian at Balete tungkol sa pagpapasa ng ordinansa sa kani-kanilang mga bayan tungkol sa pagpapatupad ng Republic Act 8172 o “An Act Promoting Salt Iodization Nationwide and for Related Purposes” o ang ASIN Law. Sa kasalukuyan, ang mga ito ang mga local government units sa lalawigan na wala pang local na batas patungkol dito.

Nag-report din ang PNP Batangas Province na tuloy-tuloy ang pagsasagawa nila ng mga inspeksyon ng mga nagtitinda ng asin kung iodized ang kanilang mga paninda. Nakikipag-ugnayan ang kapulisan sa mga local na Health Offices at Sanitary Inspectors sa ganitong gawain. Ayon sa Batangas police, wala pa naman silang nahuhuling mga nagtitinda ng hindi iodized salt sa mga pamilihang bayan.

Ibinahagi din ng Dept. of Science and Technology ang kanilang isinagawang pagtuturo upang mas tumaas ang kalidad ng ginagawang asin nang magbigay sila ng training sa mga kasapi ng Samahan ng Nagkakaisang Mamamayan sa Pagsulong at Pag-unlad ng Brgy. Sawang, Lobo. Isinusulong ng task force ang pagpapalago at pagpapaganda ng produksyon ng asin sa Lobo upang magkaroon ng regular na producer ng asin sa Batangas Province.

Ayon sa pag-aaral, napakahalaga ng iodine dahil nakakatulong ito sa mental at physical development kaya inoobliga ang mga kainan, restaurants, at mga tindahan na magtinda lamang ng asin na iodized. Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.