Agricultural Interventions ng DA, Ipinagkaloob sa mga Batangueñong Magsasaka na Naapektuhan ng Taal Eruption

BATANGAS PROVINCE, Extended ang GCQ Hanggang Hunyo 30, 2020
June 16, 2020
Scholarship sa Lalawigan ng Batangas, Tuloy-tuloy
June 16, 2020

June 16, 2020

May kabuuang ₱43.8 milyon na halaga ng agricultural interventions ang naipagkaloob ng Department of Agriculture (DA) Region IV-A sa 45 na Batangueño farmer-representatives mula sa mga Bayan ng San Nicolas, Agoncillo, at Laurel sa Lalawigan ng Batangas, noong ika- 11 ng Hunyo 2020.

Ang naturang tulong pang-agrikultura ay naihatid sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) sa DA CALABARZON, na pinamumunuan ni Regional Director Arnel V. de Mesa.

Kaugnay ito sa tuloy-tuloy na Taal Recovery and Rehabilitation Program ng DA kung saan naipahatid sa mga lubos na napinsalang mga bayan, noong pumutok ang Bulkang Taal, ang iba’t-ibang ayuda na mga pananim, tulad ng budded calamansi, guyabano, lanzones, cacao seedlings, at banana sucker.

Bukod dito, mayroon ding abono, plant growth enhancer, mga livestock animals gaya ng baka, kalabaw, at kambing. Kasama ring naipamahagi ang broiler at native chickens at ilang mga agricultural equipment, na kinabibilangan ng plastic crates, pruning shear, at knapsack sprayer.

Ayon kay Regional Director de Mesa, ang food security at sustainability targets umano ay hindi dapat maantala o matigil sa kabila ng mga kinakaharap na matitinding pagsubok tulad na lamang ng nangyaring Taal Volcano eruption at sa patuloy na banta ng African Swine Fever (ASF) at Coronavirus Disease (COVID-19) na labis aniyang nakakaapekto sa buong rehiyon.

Nagpahayag din si Director de Mesa ng kaniyang simpatya sa mga magsasakang Batangueño at binigyang-diin na buo ang magiging suporta ng kanilang ahensya para sa maayos na pagpapatupad ng mga programang pang-agrikultura sa lalawigan.

“Ang DA 4A ay nakahandang tumulong sa mga magsasaka kahit anong sitwasyon ng buhay,” tugon ni Provincial Agriculturist, Engr. Pablito Balantac, na taos-puso ang naging pasasalamat sa nasabing kagawaran.

Sa inilibas na ulat ng OPAg, malaki anila ang maitutulong ng mga naipagkaloob na laang ayuda ng DA sa mga magsasaka upang muling makapagsimula sa kabila ng naranasang kalamidad. Nakahanda rin anila ang kanilang tanggapan para magbigay suporta sa mga proyekto ng Department of Agriculture at mga Batangueño farmers.

M.J.M – Batangas Capitol PIO / Larawan mula sa OPAg at Ulat mula sa OPAg at DA IV-A

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.