BATANGAS PROVINCE, Extended ang GCQ Hanggang Hunyo 30, 2020

Report on Fund Utilization of Program/Project/Activity Implementation For the Month of May 2020 – Bayanihan Grant To Provinces
June 15, 2020
Agricultural Interventions ng DA, Ipinagkaloob sa mga Batangueñong Magsasaka na Naapektuhan ng Taal Eruption
June 16, 2020

June 16, 2020

Kabilang ang Lalawigan ng Batangas sa mga lugar na kasama sa extension ng General Community Quarantine (GCQ) hanggang sa ika-30 ng Hunyo 2020, sang-ayon sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes, Hunyo 15, 2020.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang desisyon ng pangulo ay ibinatay sa obligasyon ng estado na protektahan ang kalusugan ng publiko, ang pangangailangan upang buksan ang ekonomiya, at ang kakayahang magbigay ng kritikal na tulong sa pangangalagang pangkalusugan sa mga magkakasakit ng COVID-19.

Bukod sa Metro Manila, labing-anim na lalawigan sa Luzon ang kabilang parin sa GCQ, anim sa Visayas, at dalawa naman sa Mindanao. Habang ang natitirang bahagi ng bansa ay na-downgrade sa Modified General Community Quarantine (MGCQ), na mas pinaluwag na quarantine phase.

Samantala, patuloy pa rin ang serbisyo publiko ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, tulad ng pagbibigay ng financial assistance, relief goods at honorarium na may kaugnayan sa pandemya, at mga gawain tulad ng road clearing operations dahil sa mga naganap na pagbaha nitong mga nakaraang araw.

B.L.M. – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.