Board Member Sanchez, Pormal na Nagbitiw sa Pwesto
April 18, 2018
Kauna-unahang Selebrasyon ng Women with Disability sa Lalawigan ng Batangas, Idinaos
April 23, 2018

Volunteer Workers ‘tungo sa Rich Batangas. Kabilang ang Tingloy sa pinuntahan ng mga kinatawan ng Kapitolyo sa distribusyon ng 2018 First Quarter Honorarium para sa mga volunteer workers, kabilang ang mga barangay health workers (BHW), barangay nutrition scholars (BNS), day care workers (DCW), Pantawid Leaders, Senior Citizen Officers at Persons with Disability (PWD) officers, noong ika-10 hanggang ika-17 ng Abril 2018 sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Health Office (PHO). Vince Altar / Photo: Jhay Jhay Pascua – Batangas Capitol PIO

April 18, 2018

Distribusyon ng Honorarium para sa mga Volunteers, Ipinamahagi

Volunteer Workers ‘tungo sa Rich Batangas. Kabilang ang Tingloy sa pinuntahan ng mga kinatawan ng Kapitolyo sa distribusyon ng 2018 First Quarter Honorarium para sa mga volunteer workers, kabilang ang mga barangay health workers (BHW), barangay nutrition scholars (BNS), day care workers (DCW), Pantawid Leaders, Senior Citizen Officers at Persons with Disability (PWD) officers, noong ika-10 hanggang ika-17 ng Abril 2018 sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Health Office (PHO). Vince Altar / Photo: Jhay Jhay Pascua – Batangas Capitol PIO

Isinagawa ang distribusyon ng 2018 First Quarter Honorarium, na nagkakahalaga ng PhP 22 Milyon, para sa mga volunteer workers, kabilang ang mga barangay health workers (BHW), barangay nutrition scholars (BNS), day care workers (DCW), Pantawid Leaders, Senior Citizen Officers at Persons with Disability (PWD) officers, noong ika-10 hanggang ika-17 ng Abril 2018 sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Health Office (PHO).

Nasa 12,868 ang mga volunteer workers sa buong lalawigan na mga direktang kabalikat at katulong ng Kapitolyo sa mga barangay at bayan upang maipaabot ang lahat ng nakaprograma at nakalaang tulong at serbisyo publiko ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas.

Nagtungo ang mga kawani ng Batangas Capitol upang ipamahagi ang honorarium sa mga volunteers na taga Nasugbu, Lian, Calatagan, Calaca, Balayan, Tuy, Taal at Lemery noong April 10; Agoncillo, San Nicolas, Sta. Teresita, Alitagtag, Cuenca, San Luis, Lipa City, San Jose at Ibaan noong April 11; Rosario, Padre Garcia, Taysan, Malvar, Mataas na Kahoy, Balete at Batangas City noong April 12; Laurel, Talisay, Tanauan City at Sto. Tomas noong April 13; San Pascual, Mabini, Bauan, Lobo at San Juan noong April 16; at sa island municipality ng Tingloy noong April 17.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagtungo mismo ang mga kinatawan ng pamahalaan panlalawigan sa bayan ng Tingloy para ipamahagi ang honorarium ng mga volunteer workers na taga roon upang hindi na mabawasan pa ang ayudang kanilang matatanggap bilang kabalikat sa paglilingkod. – Ma. Cecilei C. De Castro – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.