Webinar para sa Tourism Officers ng Batangas Province, Pinangunahan ng PTCAO

Cancellation Bid Bulletin – Supply and Delivery of Various Heavy Equipment (January 26, 2021 Bidding)
January 22, 2021
15% Discount sa Real Property Tax, Isinusulong ng SP na Palawigin Pa
January 22, 2021

January 22, 2021

Matagumpay na idinaos ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) ang isang online seminar o webinar, na may temang “Message Management for Tourism Promotion,” noong ika-13 ng Enero 2021.

Ang naturang webinar, na naisagawa via Zoom Video Conference, ay nilahukan ng tourism officers mula sa iba’t ibang local government units ng lalawigan, at naglalayong higit na palakasin at paigtingin ang industriya ng turismo sa pamamagitan ng malikhaing pagsusulat o creative writing.

Nahati ito sa dalawang paksa na Basic Principles and Theories of Communication at Understanding the Various Media in Tourism Promotion. Nagsilbing keynote speaker si Mr. Bernard Supetran, isang communications trainer, travel photojournalist, at regular columnist, sa pamamagitan ng kanyang column na Day Tripper, na mababasa online sa Inquirer Mobility ng Philippine Daily Inquirer.

Inaasahang malaki ang maitutulong ng isinagawang webinar, hindi lamang para sa local tourism officers, kundi pati na rin sa media partners ng mga ito.

Samantala, patuloy pa rin ang pagsusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, sa paglinang at pagpapalawig ng turismo sa lalawigan sa kabila ng pandemya, habang mahigpit pa ring ipinatutupad ang mga itinakdang health protocols.

Mayen Maneja – Batangas PIO/Photo: Bernard Supetran

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.