15% Discount sa Real Property Tax, Isinusulong ng SP na Palawigin Pa

Webinar para sa Tourism Officers ng Batangas Province, Pinangunahan ng PTCAO
January 22, 2021
Youtuber Bella Racelis, Mutya ng Lipa 2021
January 22, 2021

January 22, 2021

Isang resolusyon ang inihain ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas na naglalayong mapahaba ang panahon ng pagbibigay ng 15% discount sa pagbabaypad ng Real Property Tax hanggang sa ika-28 ng Pebrero 2021.

Ang SP Resolution, na inisponsor nina 3rd District Board Member Jhoanna Corona at 4th District Board Member Jonas Patrick Gozos, ay tinalakay sa ikalawang regular session ng Sangguniang Panlalawigan noong ika-18 ng Enero 2021, na pinangunahan ni Vice Gov. Mark Leviste.

Para sa mga bokal nararapat at angkop na magbigay ng interbensyon sa pagbubuwis sa pamamagitan ng pagbibigay ng palugit sa pagbabayad ng buwis habang hindi pa nakakabangon ang ekonomiya dulot ng Covid-19 pandemic.

Kaugnay nito, sumang-ayon ang Provincial Treasurer at Provincial Assessor sa punto ng SP, at sinabing tiyak na makatutulong ang hakbang sa mga nagbabayad ng buwis at sa mga tanggapan ng pamahalaang naglilikom ng real property taxes.

Jayne Roumelle B. Elarmo / Photo: Francis Mila – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.