Provincial Agriculture Office’s Good Agricultural Practices on Vegetable Production, Isasagawa

COMELEC- Batangas, Tuloy-tuloy ang Paghahanda sa May 2018 Election
April 2, 2018
Unang Sr. HS Graduation ng BPHSCA idinaos sa Kapitolyo
April 4, 2018

Isinusulong ang Good Agricultural Practices. Patuloy ang mga proyektong pang-agrikultura ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamumuno ni Gov. Dodo Mandanas at sa pangunguna ng Provincial Agriculture Office, na nakatakdang magsagawa ng pagsasanay sa Good Agricultural Practices (GAP) on Vegetable Production na ilulunsad sa darating na ika-26 ng Abril 2018 sa Provincial Demonstration Farm, Diversion Road, Bolbok, Batangas City. Ang pag-aaral ay nakatuon sa pagpapalago ng produksyon ng upo, sili, sibuyas at sitaw. Vince Altar / Photo: Provincial Agriculture Batangas - Batangas Capitol PIO

April 3, 2018

Isinusulong ang Good Agricultural Practices. Patuloy ang mga proyektong pang-agrikultura ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamumuno ni Gov. Dodo Mandanas at sa pangunguna ng Provincial Agriculture Office, na nakatakdang magsagawa ng pagsasanay sa Good Agricultural Practices (GAP) on Vegetable Production na ilulunsad sa darating na ika-26 ng Abril 2018 sa Provincial Demonstration Farm, Diversion Road, Bolbok, Batangas City. Ang pag-aaral ay nakatuon sa pagpapalago ng produksyon ng upo, sili, sibuyas at sitaw. Vince Altar / Photo: Provincial Agriculture Batangas – Batangas Capitol PIO

Sa pangunguna ng Provincial Agriculture Office (PAO), na pinamumunuan ni Engr. Pablito Balantac, katuwang  ang Agricultural Training Institute (ATI), isasagawa ang isang pagsasanay ng Farmers’ Field School (FFS) on Good Agricultural Practices (GAP) on Vegetable Production na ilulunsad sa darating na ika-26 ng Abril 2018 sa Provincial Demonstration Farm, Diversion Road, Bolbok, Batangas City.

Ang naturang pagsasanay tungkol sa Good Agricultural Practices for Vegetable Production, na gagawin isang beses isang linggo sa loob ng 16 na linggo, ay lalahukan ng 30 farm workers at Agriculture Extension Workers mula sa PAO. Sa panayam sa mga PAO Agricultural Technologists na sina Diana Rose Panaligan Manoy at JM Pangilinan, ang pag-aaral ay nakatuon sa varietal differences ng apat na uri ng commodities na upo, sili, sibuyas at sitaw sa pamamagitan ng GAP concepts.

Ang GAP ay kinabibilangan ng mga principles, regulasyon, at mga teknikal na rekomendasyon na angkop sa produksyon; pagpoproseso at pagbabiyahe ng mga gulay; pagbibigay pansin sa pangangalaga ng kalusugan ng mga tao; pagprotekta sa kalikasan; at pagsasaayos ng kondisyon ng mga nagtatrabaho at ng kanilang pamilya.

Layunin ng nasabing pagsasanay na maipakilala ang iba’t ibang GAP sa Lalawigan ng Batangas, partikular ang makapagbigay kaalaman sa mga kalahok ng tungkol sa guidelines at principles nito; mapahusay ang kapasidad sa vegetable production; makapaggawa ng mga demonstrasyon para sa varietal differences ng apat na commodities at higit sa lahat ay ang mapagtapos ang 30 magsasaka FFS GAP para sa Vegetable Production.  Ito ay sang-ayon sa programang pang-agrikultura at pangkabuhayan ni Gov. Dodo Mandanas.

Ang FFS ay karaniwang binubuo ng 25-30 magsasaka na sasanayin sa iba’t ibang pamamaraan sa pagsasaka. Ang pagtuturo na mayroong lecture/discussion ay nakadepende sa pangangailangan ng mga kalahok, open forum, group dynamic, at actual/hands-on demonstration. Kimzel Joy T. Delen and Cecilei De Castro – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.