Turismo sa Batangas Province at sa Bansa, Patuloy na Umaangat

Notice of Vacant Positions
December 13, 2017
MOVE Batangas Aarangkada na sa Lalawigan
December 15, 2017

December 15, 2017

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga turista sa Lalawigan ng Batangas, naitala na 2.5 milyon ang bilang ng bumisita dito noong taong 2016, partikular sa mga pilgrimage sites at simbahan tulad ng Padre Pio National Shrine sa Sto. Tomas, Marian Orchard sa Balete, at Monte Maria sa Batangas City.

Ayon kay Atty. Sylvia Marasigan, Provincial Tourism and Cultural Affairs Officer, patuloy din na kumikilos ang pamahalaan upang mapalakas ang farm tourism sa pagsusulong ng pasyalan at pagkatuto na may kaugnayan sa agrikultura. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga seminar at workshop sa demo farm upang ipinakita kung paano isinasagawa ang pagpapalago ng mga halaman at pagpapalaki ng mga alagang hayop.

Pahayag pa rin ni Atty. Marasigan, dahil napapalibutan tayo ng mga yamang tubig, hindi pahuhuli ang mga beach na pangunahin ding destinasyon ng mga turista sa Lalawigan ng Batangas. Aniya, mayroon tayong 11 bayan na nakapalibot sa ating sikat at Lawa at Bulkang Taal, bukod pa rito ang 15 bayan na nakapaligid sa baybaying dagat ng lalawigan.

Kaugnay ito sa inilabas na datos ng Department of Tourism (DOT) na umaabot sa mahigit na limang milyong mga dayuhan ang dumating sa Pilipinas sa unang sampung buwan ng kasalukuyang taon.

Sinabi ni DOT Sec. Wanda Teo, ang mga South Koreans ang nangingibabaw sa merkado, na sinundan naman ng mga taga-China, United States at Japan.

Kumpara sa record ng nakaraang taon sa magkatulad na panahon, ang pagdating ng mga Intsik ay umakyat sa 39.28% habang ang Indians ay tumaas ng 20.28%.

Nakapagtala rin ito ng kita ng double-digit na pakinabangan ang P243.23 bilyon para sa buwan ng Enero hanggang Setyembre, isang malaking pagtaas mula sa P178 bilyong kita para sa magkatulad na panahon ng 2016.  Batangas Capitol PIO – Nicole B. Bermas

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.