MOVE Batangas Aarangkada na sa Lalawigan

Turismo sa Batangas Province at sa Bansa, Patuloy na Umaangat
December 15, 2017
Updates para kay Urduja
December 15, 2017

December 15 , 2017.

Pormal na binigyang buhay sa Lalawigan ang Batangas ang organisasyon ng Men Opposed to Violence Against Women and Children Everywhere o MOVE  noong ika -13 ng Disyembre 2017 matapos italaga ang mga Chapter Officers nito sa Tanville Resort sa Bayan ng Rosario, Batangas.

Mula sa mga kinatawan ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan, nahalal bilang Batangas MOVE President si Mr. Diosdado Macalintal ng Provincial Assistance for Community Development Office;  Vice President si Mr. Jose Alilio ng Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office; Secretary si Mr. Ariel Awitan ng DepEd; Assistant Secretary si Robert Andal ng Provincial Government-Environment and Natural Resources Office; Treasurer si Mr. Angelo Villanueva ng Provincial Planning and Development Office; Auditor si Mr. Joel Villena ng Provincial Accounting Office; at Public Relations Officers sina Mr. Amado Hagos ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (Internal) at  Edwin Zabarte ng Provincial Information Office (External).

Ang mga kasapi ay duamaan sa talong araw na orientation and seminar na inihanda ng Provincial Social Welfare and Development Office, katuwang ang Deparment of Social Welfare and Development Office Region IV-A.  Kinatawan ang DSWD Region IV-A nina  Mr.  Dioniso Dalusong at Mr. Ricky Bunao na siyang tumalakay sa mga usapin ukol sa Gender and Development Concept.

Naging bahagi din ng programa bilang mga tagapagsalita sina Atty. Dennis Macatangay ng Provincial Legal Office at Provincial Prosecutor Atty. Lourdes Zapanta ng Provincial Prosecutor’s Office na nagbigay ng kanilang kaalaman ukol sa mga batas na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan at kabataan.

Sumailalim ang mga kalahok sa usapin ukol sa Gender and Development Concept; Gender Based Sensitivity and Violence;  Male and Boys Involvement ; Masculinity, Patriarchy and Powers in the Filipino Culture; at mga  batas  na itinakda sa bansa tulad ng RA 9710 o Magna Carta for Women and Children; RA 7610 o Child Abuse Law; RA 9755 o Anti Child Pornography Act of the Philippines  at RA 9662 o Anti-Violence Against Women and Children.

Layunin ng pagsasanay na pag-ibayuhin ang pakikilahok ng mga kalalakihan sa mga aktibidad na magsusulong sa pagbibigay proteksyon sa kapakanan ng mga kababaihan at mga kabataan na siyang  pangunahing nakakaranas ng pang-aabuso, panggigipit, pananakit at panghahalay sa lipunan.

Sa pag oorganisa ng MOVE Batangas, inaasahan na magkakaroon na ng kamalayan ang mga kalalakihan sa mga batas na nagbibigay pangangalaga sa mga babae at bata, daan upang hindi man lubusang mawala, ay mabawasan ang mga kaso ng mga pang aabuso.  Hangad ding maging daan ito ng pagbabagong tanaw ng publiko na hindi lamang pangunahing sanhi ng mga pasakit sa mga babae at kabataan ang mga kalalakihan, bagkus ay kaisa ang mga ito sa pagsusulong ng adbokasiya na bigyang proktesyon ang mga ito. / Batangas Capitol PIO- Edwin V. Zabarte

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
3

Comments are closed.