Top Taxpayers, Investor ng Batangas Province Pinarangalan

Kampanya Laban sa Karahasan sa Kababaihan, Isinulong sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
December 13, 2017
Notice of Vacant Positions
December 13, 2017

2017 Top Investor in Batangas Province. Iginawad ni Batangas Gov. Dodo Mandanas ang Governor’s Top Investor Award kay Mr. Paul Fullbright, Chief Executive Officer at President ng Cargill-Joy Poultry Meats Production, Inc.,ang pinakamalaking poultry processing plant sa Pilipinas ngayon na matatagpuan sa Sto. Tomas, Batangas. Kasama nila sa larawan si Prov. Admin. Levy Dimaunahan (kaliwa) at mga department heads ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Karl Ambida - Batangas Capitol PIO

December 13, 2017

2017 Top Investor in Batangas Province. Iginawad ni Batangas Gov. Dodo Mandanas ang Governor’s Top Investor Award kay Mr. Paul Fullbright, Chief Executive Officer at President ng Cargill-Joy Poultry Meats Production, Inc.,ang pinakamalaking poultry processing plant sa Pilipinas ngayon na matatagpuan sa Sto. Tomas, Batangas. Kasama nila sa larawan si Prov. Admin. Levy Dimaunahan (kaliwa) at mga department heads ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

Ginanap ang Business Awards Night sa Batangan Hall ng Batangas Provincial Capitol, Batangas City noong December 8, 2017, na kabilang pa rin sa mga inihanay na mga aktibidad para sa 436th Foundation Day ng Lalawigan ng Batangas.

Ang gabi ng parangal ay isinagawa ng pamahalaang panlalawigan bilang pagkilala sa mga indibidwal at grupo na patuloy na naging katuwang nito sa pagsasakatuparan ng mga programang pang ekonomiya at pangkabuhayan.  Paraan din ng pasasalamat ang pag-aabot ng recognition sa mga taxpayers at investors na malaki ang naiaambag upang magkaroon ng pondo ang lalawigan para sa mga proyektong pang imprastraktura at paghahatid  ng basic services.

Ginawaran ng Governor’s Top Investor Award ang Cargill-Joy Poultry Meats Production, Inc, na joint venture ng Cargill at Jollibee.  Ang pinakamalaking poultry processing plant sa Pilipinas ngayon na matatagpuan sa Sto. Tomas, Batangas ay inaasahang makakapag proseso ng tinatayang 45 milyong manok kada taon upang tugunan ang patuloy na pagtaas ng demand sa manok sa lokal na merkado.  Inaasahang nasa 1,000 bagong full time jobs ang mabubuksan dahil sa C-Joy, bukod sa malaking oportunidad sa mga poultry farmers at mga negosyante sa Batangas Province at sa mga karatig na lalawigan.

Kabilang naman sa mga top corporate taxpayers ang Southwest Luzon Power Generation Corp, South Luzon Thermal Energy Corp., Sem-Calaca Power Corp., Solar Philippines Calatagan Corp., Lima Land, Science Park of the Philippines, Inc., Globe Telecom, at National Power Corporation.

Samantala, kasama naman sa mga indibidwal na Top 10 taxpayers sa lalawigan sina Corazon Maravilla at Benjamin Dalusong.  Jenny Asilo Aguilera – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.