Soon to Rise: Batangas Provincial Medical Center sa Bayan ng Calaca

P5-M donation, Nakatakdang Ipagkaloob ng Lalawigan ng Batangas sa Philippine Red Cross
October 24, 2020
Batangas ProVet: Tuloy ang Laban Kontra ASF at Iba pang Serbisyo sa Gitna ng Pandemya
October 25, 2020

October 24 , 2020

Binigyan ng direktiba ni Governor Dodo Mandanas ang pamunuan ng mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na namamahala sa kalusugan at imprastraktura na simulan na ang mga nakakasang mga proyekto, partikular ang pagpapagawa ng mga karagdagang medical facilities sa lalawigan.

Ang nasabing paksa ang nanguna sa agenda ng isinagawang Batangas Inter-Agency Task Force on COVID !9 noong ika-19 ng Oktubre 2020.

Sa ilalim ng Health Care For All Policy ng lalawigan, nakitaan ng malaking pangangailangan para sa isang dedicated medical center sa Western Batangas, na kinabibilangan ng mga bayan ng 1st District, na isa sa may pinakamataas na bilang ng populasyon sa anim na kabuuang distrito ng Batangas.

Kabilang sa mga bagong pasilidad ang Batangas Provincial Medical Center na itatayo sa Bayan ng Calaca, at inaasahang magtataglay ng mga pangunahing kagamitan at laboratoryo para sa isang Level 2 Accredited Medical Facility.

Ang proyekto ay bunsod na rin ng limitadong kakayahan at kapasidad ng Batangas Provincial Hospital sa Bayan ng Lemery. Sang-ayon sa pag-aaral, hindi na umano magagawan ng expansion project ang nasabing pasilidad dahil sa maliit na land area nito.

Para sa mga pagawain at kagamitan ng mga district hospitals, nakalaan umano ang nasa ₱350 Milyon na pondo para sa construction and improvement of facilities and equipment.
Binigyang-diin ng gobernador sa mga kasapi ng Batangas IATF na ang mga pagawain ay kabilang sa isang long-term program na tutugon sa lahat ng mga panganagailangang medikal ng mga Batangueño, at hindi lamang nakatutok sa COVID-19 pandemic.

Nakatakda ring magbigay ng donasyong ₱5 Milyon sa Philippine Red Cross ang pamahalaang panlalawigan na sasagot sa swab tests ng mga Batangueño na walang kakayahang magbayad para dito. Ito ay alinsunod sa itinakdang Commision on Audit Circular.

Umapela ring muli si Governor Mandanas sa publiko na patuloy na sundin ang mga itinakdang health standards, partikular ang HIM protocol o Hugas – wastong paghuhugas ng kamay; Iwas – observe social distancing; at Mask – ugaliing pagsusuot ng face mask at face shield sa mga pampublikong lugar.

Edwin V. Zabarte – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
8

Comments are closed.