Screening Assessment of Drug Dependence Training, hatid ng DOH, Kapitolyo sa local health officers ng lalawigan

Batangas Sea Salt Production Project, pormal nang inilunsad
October 17, 2023
Provincial Search for Exemplary 2023 4Ps Children, muling isinagawa ng Kapitolyo
October 20, 2023

October 20, 2023

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalwigan ng Batangas, sa pangunguna at superbisyon ng Provincial Assistance for Community Development Office (PACD) at Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), ang limang araw na Training on the Screening Assessment of Drug Dependence for the Provisional Accreditation of Physicians sa Dalubhasaan Building, Provincial Sports Complex, Bolbok, Lungsod ng Batangas.

11 municipal health at medical officers ang dumalo mula sa Batangas City, Tanauan City, Malvar, Lemery, Alitagtag, Mabini, Lian, Ibaan, San Nicolas, San Luis at Mataas na Kahoy.

Ang pagsasanay, na itinakda mula ika-16 hanggang 20 ng Oktubre 2023, ay tatalakay sa mga magkakaugnay na mga polisiya sa drug abuse treatment and rehabilitation, kung saan kasama ang mga paksa ukol sa pag-unawa sa drug dependence, ganun din ang mga termino na sumasaklaw sa kalusugan ng kaisipan at katawan ng mga drug dependants sa lalawigan.

Bahagi din ng programa ang pagsasanay sa mga municipal health officers sa tamang pagsasagawa ng comorbidity assessment, basic motivational interviewing, court report writing and appearance and transcript.

Ang mga itinakdang skill set sa mga pagsasanay na ito ay inaasahang makatutulong sa mga health professionals na maisagawa ang mga kinauukulang aksyon ng lalawigan upang matutukan ang mga isyu ng adiksyon sa droga, partikular sa mga kabataan.

Nanguna sa nasabing pagsasanay ang mga medical professionals on drug abuse ng Department of Health, Batangas Provincial Health Office at mga kasaping accredited drug dependency examination practitioners.

Edwin V. Zabarte/ Photos by Jhun-Jhun de Chavez-BatangasPIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.