Provincial Search for Exemplary 2023 4Ps Children, muling isinagawa ng Kapitolyo

Screening Assessment of Drug Dependence Training, hatid ng DOH, Kapitolyo sa local health officers ng lalawigan
October 20, 2023
World Rabies Day 2023 ipinagdiwang sa pamamagitan ng Dog Fun Match sa Kapitolyo
October 20, 2023

October 20, 2023

Matapos matigil dahil sa pandemya, muling isinagawa ang Provincial Search for Exemplary 2023 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) Children, sa pangunguna ng Provincial Social and welfare Development Office (PSWDO), ngayong araw ng biyernes, ika-20 ng Oktubre 2023, sa PSWDO Conference Room, Capitol Site, Batangas City.

Nakuha ni Jossa Cielo Quinag Lopez ng Barangay Bolbok, Tuy, Batangas ang unang puwesto, samantalang pumangalawa si Precious Joy B. Garcia ng Barangay Pisa ng Bayan ng Tingloy. Nakamit naman ni Rich Yvonne V. Mangubat ng Barangay Talisay ng Lungsod ng Lipa ang ikatlong puwesto, at naging pang-apat si Irish Mae D. Reyta mula sa Brgy. Maraykit, San Juan.

Tumanggap ng Sertipiko ng Pagkilala ang lahat ng nominado at magsisilbing representante ng lalawigan sina Lopez at Garcia sa darating na Regional Level Search for Exemplary 4Ps Children sa Nobyembre 2023.

Layunin ng proyektong ito na mabigyan ng pagkilala ang mga 4Ps child beneficiaries na nagsisilbing mabuting halimbawa sa kanilang komunidad, paaralan at tahanan.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng apat na representatnte mula sa 4 na cluster ng iba’t-ibang bayan. Kabilang sa mga bayan na ito ay ang bayan ng San Juan, Tuy, Tingloy, at Lungsod ng Lipa.

Nagsilbing screening committee sina Ms. Maren Dela Cruz Baet, Executive Director ng Self Help Approach Right Based Environment, Inc (SHARE Inc.); Ms. Mar Ann Rillera, Schools Division Office Nurse – Department of Education – Batangas Province; at Ms. Adelia M. Macaraig.

Naging batayan sa pagpili sa mga nominado ang Behavior and Practice (20%), Awareness, Advocacy and Talent (25%), Intelligence and Wit (25%), Community and School Participation (20%) at Aptitude and Appearance (10%).

Sa naging deliberasyon ay ipinamalas ng mga nominado ang kanilang mga naging ambag sa kanilang nasasakupan na komunidad, paaralan at tahanan. Ipinakita din ng bawat isa ang kanilang mga talento at husay sa pagsagot sa bawat tanong ng mga miyembro ng komite.

Sa mensahe ni PSWDO Department Head Florita Lachica, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mga oportunidad para sa mga kabataang, tulad ng mga nakakatanggap ng tulong mula sa 4Ps. Aniya, “maximize the opportunity” dahil hindi lahat ay napapagkalooban ng programang ito.

Dumalo sa aktibidad si Ms. Veronica T. Menguito ng DSWD Batangas Province, mga magulang, case managers at coaches, Provincial Monitoring and Evaluation Officers, Department of Social and Welfare Development Office (DSWD) at ilang empleyado ng Kapitolyo.

JunJun Hara De Chavez. – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
21

Comments are closed.