July 19, 2024
Personal na dumalo bilang isa sa mga panauhing pandangal si Governor Hermilando I. Mandanas sa isinagawang 7th regular session ng Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) – Region IV-A CALABARZON sa Cultural Center of Lipa, Plaza Indepedencia, Lipa City, Batangas ngayong araw, ika-19 ng Hulyo 2024.
Sa naging mensahe ni Governor Hermilando I. Mandanas, kinilala at binigyang-diin niya ang kahalagahan ng bawat vice mayor, at iminungkahi pa niya na isama ang mga bise alkalde sa Regional Development Council, pati na rin ang mga vice governors, para mas mapagtibay pa ang paglilingkod sa rehiyon at sa bansa.
Dagdag pa ni Governor Mandanas, marapat lamang na pagbutihin pa at ipagpatuloy ang pagtutulungan sa CALABARZON dahil aniya, “kapag sama-sama at nagkakaisa, sama-samang nangunguna.”
Tumanggap din ng Certificate of Recognition at Plaque of Appreciation ang Batangas governor bilang pagkilala sa kanyang suporta sa regular session ng CALABARZON Vice Mayors’ League.
Pinangunahan ang naturang sesyon ni VMLP Region IV- A President, Santa Cruz, Laguna Vice Mayor Laarni A. Malibiran, kung saan nakasama rin nila sina Lipa City Mayor Eric B. Africa, Lipa City Vice Mayor Camile Angeline M. Lopez, VMLP Batangas Chapter President, Mataas na Kahoy Vice Mayor Jay M. Ilagan; at VLMP Region IV-A Board of Director, Ibaan Vice Mayor Juvy Mendoza.
Kristal Cabello / Photos: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO