Road and Safety Rules Seminar, Dinaluhan ng mga Drivers ng Kapitolyo

PTA – Batangas Province, Mrs. Philippines Grand International 2021 Bisita sa 15th SP Batangas Session
October 18, 2022
Local Government Support Fund-Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program – Report on Fund Utilization and Status of Program/Project Implementation as of September 30, 2022
October 18, 2022

October 18, 2022

Sumasailalim sa “Road and Safety Rules for Drivers” refresher course ang mga opisyal na drivers ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, kasama ang mga empleyadong kasali sa kanilyang trabaho ang pagmamaneho, sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Layuning madagdagan ang kaalaman ng mga kawani, inaasahang nasa 242 na mga drivers ang makadadalo sa nasabing seminar, na gaganapin sa loob ng 5 batches, mula Lunes, ika-17 ng Oktubre, hanggang Biyernes, ika-21 ng Oktubre 2022.

Ang pagsasanay ay isinulong at isinagawa ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO), sa pangunguna ni PHRMO Head Rhisa De Soza , katuwang ang Land Transportaation Office – Region IV-A, sa pamamagitan ni Ms. Clarisa A. Sulit, ang Chief Transportation Regulation Officer ng LTO – Batangas City.

Kabilang sa mga tinalakay at pinag-aralan ang mga batas trapiko, at mga karatula at palatandaan na nakikita sa kalye habang nasa biyahe.

Mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng mga driver sa pagpapatupad ng serbisyo publiko ng pamahalaang panlalawigan. Sa pagganap nila ng kanilang pangunahing responsibilidad na mapanatiling ligtas ang mga pasahero at sasakyan ng gobyerno, maayos ding naihahatid ang mga proyekto at serbiyo ng Kapitolyo sa mga komunidad.

Mon Antonio A. Carag III – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.