PTA – Batangas Province, Mrs. Philippines Grand International 2021 Bisita sa 15th SP Batangas Session

Komendasyon sa Unang 100 Araw, Ipinagkaloob kay Gov. DoDo ng SP
October 18, 2022
Road and Safety Rules Seminar, Dinaluhan ng mga Drivers ng Kapitolyo
October 18, 2022

October 18, 2022

Sa ika-15 na regular session ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas (SP), patuloy ang mga gawaing kaugnay ng lehislatura, sa pangunguna ni Vice Governor at Presiding Officer Mark Leviste, sa Salvador H. Laurel Session Hall, Apolinario Mabini Legislative Building, Capitol Site, Batangas City kahapon, ika-17 ng Oktubre 2022.

Naging tampok sa sesyon ang naging courtesy call ng Parent – Teachers Association (PTA) ng Batangas Province, na pinangunahan ng pangulo nitong si Lemery Vice Mayor Geraldine Ornales. Nakasama ni Ornales ang mga PTA Presidents ng mga bayan ng Ibaan, Padre Garcia, Talisay at Sta. Teresita.

Ibinahagi ni Vice Mayor Ornales na magaganap ang PTA Day sa ika-22 ng Oktubre, bilang pagkilala sa mga bumubuo ng PTA sa lalawigan, kung saan nasa 763 na mga paaralan ang inaasahang makikibahagi sa nasabing pagtitipon.

Nagbigay kortesiya din sa mga opisyal ng SP si Patrizha Meer – Banzuela, ang nagwaging Mrs. Philippines Grand International 2021. Si Banzuela ay naging kinatawan ng Lungsod ng Sto. Tomas sa Mrs. Philippines pageant. Si Banzuela ay magiging pambato ng Pilipinas sa gaganaping Mrs. Grand International 2022 World sa Nobyember 7-15, 2022 sa Mandalay, Myanmar.

Tuloy-tuloy din ang pagbibigay ng Certificates of Accreditation ng SP, sa pangunguna ni 3rd District Board Member Fred Corona, ang Chairperson ng Committee of Accreditation.

Babylyn Coz-Paña/ Photos: Junjun De Chavez

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.