Regional Response Cluster, Nagtipon para sa Agarang Pagtugon sa Epekto ng Lindol

Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Nakaalerto sa Panganib ng Lindol
April 5, 2017
State of Calamity Idineklara sa Mabini, Tingloy at Batangas City
April 11, 2017

April 10, 2017

Isang regional response cluster meeting ang pinangunahan nina Department of Social Welfare and Development Assistant Regional Director (IV-A) for Operations Annie Mendoza at Office of Civil Defense Regional Director (IV-A) Olivia Luces para sa epektibong koordinasyon sa mga ahensya na maghahatid ng agarang tulong sa mga naapektuhan ng mga lindol na tumama sa Lalawigan ng Batangas noong ika-10 sa Batangas Capitol.

Sa pagsisimula ng pagpupulong, inilatag ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ang kasalukuyang sitwasyon ng lalawigan kung saan maraming imprastraktura ang nasira at ilang libong mga Batangueño na nasa evacuation centers. Ipinagbigay batid din ng Provincial Social Welfare and Development Office ang consolidated report sa assistance at intervention ng iba’t ibang ahensya sa mga apektadong pamilyang Batangueño.

Ipinahayag din ng kinatawan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na nagsasagawa sila ng information campaign sa mga bayan sa Batangas para maipaliwanag ang nagaganap na lindol at aftershocks. Ayon kay Director Renato Solidum Jr., isang local fault sa Mabini ang dahilan ng madalas na paglindol ngunit walang kakayanan ang nasabing fault na makalikha ng lindol na lalakas pa sa magnitude 6.0. Pinabulaanan din niya na hindi sanhi ang geothermal powerplant o anumang man made activity sa pagkakaroon ng lindol.

Walang tigil pa din ang ginagawang assessment sa buong lalawigan sa pagtutulungan ng provincial at national government. Patuloy naman ang pamimigay ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng tent, tubig at pagkain maging ng survival kits sa mga naapektuhang Batangueño lalo na sa Mabini, Tingloy, Bauan at Batangas City.

Sa pagdedeklara ng Mabini, Tingloy at Batangas City ng State of Calamity, ipinaalam ng Department of Trade and Industry na magkakaroon ng price freeze sa mga basic commodities sa mga nasabing lugar bilang tugon sa saklaw ng deklarasyon. Ang Department of Education naman ay nagkakaroon ng assessment sa mga eskwelahan para masigurado ang kaligtasan ng mga estudyanteng pumapasok lalo na sa pagsisimula ng kanilang summer classes.

Aktibong tumulong din ang Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang Mobile Kitchen Truck na tutulong na magpakain ng 500 hanggang 1,500 katao. Ang mga sundalong dumaan sa pagsasanay sa pagluluto ang magbibigay ng serbisyo sa mga nasalanta ng lindol.

Hangad ng DSWD, OCD at mga kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan at iba’t ibang ahensya na maayos nilang maisagawa ang assistance efforts para matulungan ang mga Batangueño.

Kristina Marie Joy B. Andal– Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.