Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Nakaalerto sa Panganib ng Lindol

300 Batangueño Students, Kasali sa Batangas Province SPES
April 4, 2017
Regional Response Cluster, Nagtipon para sa Agarang Pagtugon sa Epekto ng Lindol
April 10, 2017

April 5, 2017

Nakatutok si Governor Hermilando “Dodo” I. Mandanas at ang buong Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa panganib na dulot ng lindol matapos yanigin ang probinsya ng magnitude 5.5 na lindol noong ika-4 ng Abril, 2017.

Naitala ang nasabing lindol ganap na 8:58 ng gabi at direktang tumama malapit sa bayan ng Tingloy. Nasundan pa ito ng higit 100 aftershocks na naitala malapit sa mga bayan ng mabini, San Luis at Tingloy.

Dahil dito, minarapat ni Governor Mandanas na magdeklara ng suspension ng klase sa lahat ng antas ng paaralan sa buong lalawigan noong ika-5 ng Abril para bigyang daan ang assessment ng anumang sira na naidulot sa mga imprastraktura. Agad ding nag-inspection sa Provincial Capitol Buildings ang Provincial Engineer’s Office dahil sa ilang cracks na nakita sa gusaling sa ngayon ay 89 na taon mula ng pagkakatayo nito.

Nagpatawag din ng press briefing sina Provincial Administrator Librado Dimaunahan, Provincial Engineer Gilbert Gatdula at Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Lito Castro na dinaluhan ng local at national media upang mailatag ang updates, incident reports at actions ng pamahalaang panlalawigan.

Sa kasalukuyan, abala ang gobernador sa pangungumusta sa mga lokal na pamahalaan ukol sa naging epekto ng lindol at nagpahayag ito ng pagtulong at pagresolba sa anumang pinsalang naidulot sa mga bayan at lungsod sa lalawigan. Ang buong pangkat naman ng PEO at Department of Public Works and Highways ay naglilibot sa probinsya para tingnan ang provincial at national properties na maaring naapektuhan ng lindol.

Bente-kwatro oras namang nakaantabay ang PDRRMO sa pag-alalay sa mamamayang Batangueño na nag-aalala sa posibleng pagtama muli ng lindo sa lalawigan.

Kristina Marie Joy B. Andal– Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.