Regional Organic Agriculture Congress 2022 itinampok sa Batangas Capitol

Mga Natatanging Batangueña, Grupo sa Larangan ng Turismo, Pinarangalan ng Kapitolyo
September 25, 2022
Fire Brigade Skills Training, Nilahukan ng mga Piling Empleyado ng Kapitolyo
September 26, 2022

September 26, 2022

Matapos ang mahigit dalawang taon na pagkakahinto dahil sa pandemya, muling isinagawa ng Department of Agriculture (DA) ang Regional Organic Agriculture Congress sa CALABARZON, kung saan napiling host ang Lalawigan ng Batangas.

Ang nasabing aktibidad ng DA, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), ay ginanap noong ika-20 ng Setyembre 2022 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa mga municipal, city at provincial agriculture offices ng lalawigan, at mga pribadong stakeholders ng sektor ng agrikultura mula sa iba’t ibang panig ng Region IV-A.

Ang nasabing aktibidad ay ginanap noong ika-20 ng setyembre 2022 sa Atty. Regina Reyes-Mandanas Memorial DREAMZONE Capitol Compound, Batangas City na kung saan ay binuksan ang programa sa pamamagitan ng Isang Ribbon Cutting na pinangunahan nina Ms. Lea Derequito ng National Program Coordinating Office,Mr. Gabriel Arubioat iba pang opisyal ng Department of Agriculture kasama ang kanilang mga Provincial Agriculture Sector couterparts mula sa lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon

Sa panayam kay Regional Organic Angriculture Focal Person Eda Fidel – Dimapilis ng DA-CALABARZON sa B’yaheng Kapitolyo, ang opisyal na radio program ng pamahalaang panlalawigan, inilahad nito ang layunin ng Kagawaran ng Agrikultura na mas mapabuti at mapaunlad hindi lamang sa Batangas, kung hindi, sa buong Pilipinas ang Organic Agriculture at maipaalam ang magandang dulot nito sa katawan at kalusugan ng mga Pilipino.

Ibinida naman ng OPAg, sa tulong ng mga pribadong organic agriculturists, ang mga produktong organiko ng mga Batangueño sa exhibit area, kasama ang iba pang mga exhibitors mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan. Ilan sa mga bumidang agri produce ay ang organic lettuce, luya, kalamansi, mga prutas, itlog at marami pang iba.

Dumalo sa selebrasyon sina acting Governor Mark Leviste; Provincial Administrator Wilfredo Racelis, na kumatawan kay Governor DoDo Mandanas; Provincial Agriculturist, Dr. Rod Bautista; at iba pang mga opisyal ng DA at mga pamahalaang lokal ng Batangas.

Ipinahayag ni Provincial Administrator Racelis na isa ang sektor ng agricultura sa nais mapalawig ni Governor Mandanas kung kaya at maaasahan ng Regional Organic Agriculture sector ang suporta ng pamahalaan at ng mga Batangueño sa pagtangkilik ng mga produktong organiko.

Mon Antonio A. Carag III – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.