Fire Brigade Skills Training, Nilahukan ng mga Piling Empleyado ng Kapitolyo

Regional Organic Agriculture Congress 2022 itinampok sa Batangas Capitol
September 26, 2022
Slipper Oyster Culture Project, Inilunsad ng Provincial Agri Office sa San Juan
September 30, 2022

September 26, 2022

Binibigyang pagpapahalaga ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang kahandaan ng mga kawani nito na tumugon sa mga sakuna sa mga lugar na kanilang pinagtratrabahuhan. Bilang tugon ditto, inorganisa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang apat na araw na fire brigade skills training para sa mga piling empleyado ng Kapitolyo.

Ang apat na araw na pagsasanay na isinagawa noong ika-6 hanggang ika-9 ng Setyembre 2022 sa Dalubhasaan Building, Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City ay nilahukan ng 40 na mga kawani mula sa PDRRMO, General Services Office (GSO) at Provincial Public Order and Safety Department (PPOSD).

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsagawa ng pagsasanay para sa mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan na nakasentro sa pagtugon sa sunog.

Layunin nito na bigyang-kasanayan at maging epektibong bahagi ng Provincial Capitol Fire Brigade na magiging katuwang ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagresponde kung sakaling magkaroon ng mga insidente ng malawakang sunog sa Kapitolyo o sa iba pang lugar sa probinsiya.

Kasama sa mga nagsilbing trainor sa ginawang pagsasanay ang mga personnel mula sa BFP, Provincial BFP, Batangas City Fire Station at BFP Search and Rescue Unit na nagbahagi ng kanilang kakayahan at kasanayan sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng lubid, tamang paggamit ng fire extinguisher, wastong evacuation, pag-operate ng fire truck, tamang pagsusuot ng fire suit, rappelling at ilang kaalamang medikal.

Sa ginawang panayam ng B’yaheng Kapitolyo kay April Serrano, Local Disaster Risk Reduction and Management Officer II, sinabi niya na ang pagsasagawa ng mga ganitong training ay mahalaga upang maipabatid sa mga tao ang mga konsepto na makatutulong sa kanila sa oras ng sakuna. Aniya, maiiwasan na mas lumaki pa ang mga insidente kung mayroon silang sapat na kaalaman.

Gian Marco Escamillas, Batangas Capitol PIO / Photos from PDRRMO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.