Public Auction sa Kapitolyo, Gaganapin sa Nov. 29

Provincial Women Coordinating Council Batangas Inc. – Nagtipon-tipon Para sa Isang Hangarin!
November 14, 2017
Gov. Dodo, Nakiisa sa Mini Olympics Finals at Christmas Party ni Cong. Abu para sa 2nd District Barangay Officials
November 17, 2017

November 17, 2017

Isang Public Auction ang gaganapin sa Capitol’s lobby sa darating na November 29, 2017 na magsisimula ng alas-dyis ng umaga, sang-ayon sa Provincial Tax Ordinance No, 002 S.2009, Chapter XII Remedies Of Provincial Government in Cases of Non-Payment of Real Tax Property.

Ang pagkakaroon ng auction ay isinisagawa kapag mayroong mga ari-arian na hindi nababayaran sa itinalagang oras.

Base sa tamang distribution ng Real Property Tax (RPT), kapag walang bidder ang isang property at hindi ito na-redeem ng may-ari sa loob ng isang taong redemption period, mapupunta ang naturang property sa Gobyerno.

Samantala, kapag naman may bidder ang isang property, ang perang manggagaling dito ay mapupunta sa isang Trust Fund sa kadahilanang maaari pa itong i-redeem ng may-ari ng property bago matapos ang itinalagang 1 year redemption period.

Ang pera namang naibigay ng winning bidder ay mapapabalik muli sa kanya na may 2% interest kung sakaling bawiin ng may-ari ang property.

Ayon kay Local Revenue Collection Officer 4, Enrico Nonato C. De Loyola, ang isang property na hindi nabayadan sa tamang kaorasan ay nakakatanggap ng First Notice mula sa munisipyo ng kanilang lugar. Ang Second Notice naman ay manggagaling sa kapitolyo ng lalawigan at susundan ito ng Warrant of Levy at Notice of Public Auction.

Pakiusap naman ng Provincial Treasurer’s Office (PTO) sa mga taxpayers ang pagbabayad ng buwis sa tamang oras upang maiwasan ang pagka-remata ng kanilang pag-aari. /BatangasCapitolPIO;Nicole B. Bermas, Criseanne Aira M. Garcia

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.