Gov. Dodo, Nakiisa sa Mini Olympics Finals at Christmas Party ni Cong. Abu para sa 2nd District Barangay Officials

Public Auction sa Kapitolyo, Gaganapin sa Nov. 29
November 17, 2017
Call Center Agents Training, Matagumpay na Naidaos
November 17, 2017

Buong pusong nakisaya si Batangas Gov. Dodo Mandanas sa matagumpay na 2017 Mini Olympics Championship Games and Christmas Party ni Deputy Speaker Ranie Abu para sa mga 2nd District barangay officials na ginanap noong ika-12 ng Nobyembre 2017 sa Batangas City Coliseum parking area. Jhay Jhay Pascua/Photo by: Eric Arellano - PIO Capitol Batangas

November 17, 2017

Buong pusong nakisaya si Batangas Gov. Dodo Mandanas sa matagumpay na 2017 Mini Olympics Championship Games and Christmas Party ni Deputy Speaker Ranie Abu para sa mga 2nd District barangay officials na ginanap noong ika-12 ng Nobyembre 2017 sa Batangas City Coliseum parking area. Jhay Jhay Pascua/Photo by: Eric Arellano – PIO Capitol Batangas

Pinangunahan ni Batangas Gov. Dodo Mandanas ang mga lokal na opisyal ng Lalawigan ng Batangas na nakiisa sa naging makulay na isang araw na Mini Olympics Championship games, na sinundan ng awarding ceremony at maagang Christmas Party, para sa mga barangay officials ng Ikalawang Distrito ng Lalawigan ng Batangas na handog ni Deputy Speaker Raneo Abu noong ika – 12 ng Nobyembre 2017.

Kampeon ang mga barangay officials ng Bauan kontra Lobo, sa women’s volleyball, samantalang nag 3rd place ang San Luis at 4th place ang Mabini.  Sa men’s basketball, nanguna ang mga kinatawan ng mga barangay ng bayan ng San Luis, na tinalo ang Mabini sa finals.  Naging 3rd placer naman ang Bauan, na naungusan ang 4th placer na Lobo.  Ang mga championship games ay sinundan ng isang exhibition game sa pagitan ng Team Abu, na pinangungunahan ni Cong. Abu, at mga celebrity cagers.

Naging panauhing pandangal sa awarding ceremony at Pamaskong pagtitipon si Gov. Mandanas na ipinagmalaking ang 2nd District Congressman na para niyang anak sa politika ay naungusan na siya sa pagiging lehislador dahil sa pagkahirang nitong Deputy Speaker sa Mababang Kapulungan.  Si Gov. Dodo ay naging Chairperson ng Ways and Means Committee sa Lower House.

Naging bisita rin sa sama-sama ng mga taga-barangay sina 2nd District Board Members Wilson Rivera at Arlina Magboo, San Luis Mayor Sammy Ocampo, Tingloy Mayor Laurence Alvarez, Bauan Vice Mayor Bodjie Casapao, San Pascual Vice Mayor Tony Dimayuga, mga pangulo ng Association of Barangay Captains at mga konsehal.

Over – all Champion ang Bayan ng San Luis na nagwagi ng PhP 200,000 cash prize, habang nag-uwi ng PhP 100,000 ang bawat isa sa mga bayang nakibahagi sa mga palaro.  Naging tampok din ang dance contest at live band concert sa awarding ceremony.  Jenny Aguilera – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.