PTCAO Photo Contest 2021, Itatampok ang mga Lugar, Pagkain at Tradisyong Batangueño

Provincial Smoke Free Task Force, Binuo sa Batangas
March 6, 2021
Invitation to Quote – Construction of Coffee Processing Center in Brgy. Aga, Nasugbu, Batangas
March 9, 2021

March 6, 2021

Inilunsad kamakailan ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) ang kanilang Photo Contest 2021, na bukas sa lahat ng mahilig sa photography sa Pilipinas na may edad na 13 years pataas.

Ang aktibidad, na bukas sa pagsusumite ng mga entries mula February 22 hanggang April 23, 2021, ay may temang “History Today” at nahahati sa professional at student categories.

Nakatuon ang patimpalak sa mga larawan na nagpapakita ng natural o man-made site, scenery o attraction, events o tradition at local delicacies sa Batangas, na taal na Batangueño o sadyang kilala nang matatagpuan sa lalawigan at nandito pa rin at matutunghayan hanggang sa kasalukuyan.

Kinakailangang ang mga litrato ay nakunan sa loob mismo ng lalawigan mula January 1, 2020 hanggang sa deadline ng submission; may katibayan ng petsa nang ito ay kunan sa pamamagitan ng digital file meta tags; at, sumailalim lang sa minor editing.

Ang bawat photographer ay maaaring magpasa ng hanggang tatlong entries na iba’t iba ang paksa at lokasyon.

Ang mga lawaran ay ipakikita sa PTCAO Facebook Page mula May 3 hanggang 14, 2021 para sa online voting.

Ang criteria for judging ay 30% – Photographic o Technical Quality, 25% – Creativity, 25% – Relevance to the theme, at 20% – Likes sa FB page.

Shelly Umali – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.