Komendasyon sa Unang 100 Araw, Ipinagkaloob kay Gov. DoDo ng SP

SUPPLEMENTAL/BID BULLETIN NO. 02
October 17, 2022
PTA – Batangas Province, Mrs. Philippines Grand International 2021 Bisita sa 15th SP Batangas Session
October 18, 2022

October 18, 2022

Kinilala ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas ang administrasyon ni Governor DoDo Mandanas sa pamamagitan ng pagpapasa ng Resolution No. 438, na nagpaabot ng komendasyon sa natatanging unang isang daang araw ng pagseserbisyo at panunungkulan nito sa mga Batangueño sa kasalukuyang termino, kabilang ang pagtanggap ng pagkilala bilang “Asia’s Most Outstanding Leader in Public Service and Good Governance” kamakailan.

Personal na ipinaabot ng mga miyembro ng SP, sa pangunguna ni Vice Governor Mark Leviste, ang plake ng komendasyon sa gobernador ngayong ika- 17 ng Oktubre 2022 sa isinagawang lingguhang pagpupugay sa bandila ng Kapitolyo sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Sa First 100 Days ng serbisyo publiko ng kasalukuyang pamunuan, naihalal muli si Governor Mandanas bilang Chairperson ng CALABARZON Regional Development Council, habang si Vice Governor Leviste naman ay bilang Regional Chairperson ng League of Vice Governors of the Philippines, at si Senior Board Member Claudette Ambida ay bilang Regional Chairperson ng National Movement of Young Legislators.

Tinalakay din ni Vice Governor Leviste ang mga achievements ng SP sa nakaraang 100 araw kung saan nakapagtala na ng 26 Committee Hearings, 14 Regular Sessions, 1 Special Session, 4 Approved Ordinances at 386 Passed Resolutions.

Binigyang-diin din ng bise-gobernador na ang SP, kasama ang lahat ng mga board members, ay patuloy na magiging kaakibat at kaagapay ng pamahalaang panlalawigan tungo sa mas ikauunlad nito.

Babylyn Coz-Paña/ Photos: Junjun De Chavez

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.