Provincial Solid Waste Management Board Meeting, Idinaos

Tamang Nutrisyon para sa Bawat Batang Batangueño, Patuloy na Tinututukan
July 26, 2018
Invitation to Bid
July 30, 2018

July 26, 2018

Upang mas lalo pang mapagbuti at matalakay ang katatayuan ng waste management sa Lalawigan ng Batangas, idinaos ang Provincial Solid Waste Management Board Meeting noong ika-26 ng Hulyo 2018 sa PG- ENRO Conference Room, Capitol Compound, Batangas City.

Ang nasabing pagpupulong ay pinangasiwaan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), sa pangunguna ni PG-ENRO Department Head Luis Awitan na dinaluhan ng mga kinatawan ng mga Batangas Local Government Units at mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan.

Sa board meeting, isinaad ng mga kinatawan ang mga updates ukol sa solid waste management sa kani-kanilang mga munisipalidad.

Kaugnay nito, inimbitahan ng PG-ENRO ang mga representante mula sa San Jose Sico Multi-Purpose Landfill Cooperative, isang multi-awarded at kinikilalang kooperatiba sa lalawigan. Si G. Rex De Guzman, kasalukuyang chairman ng nabanggit na coop, ay nagbigay ng maikling kasaysayan tungkol sa kanilang kooperatiba. Nagpakita siya ng isang audio visual presentation na nagpakita sa proseso na kanilang sinusunod sa pamamahala ng solid waste, mga proyekto at mga natatanging pasilidad.

Nagbahagi rin ng kanyang mensahe si Gng. Celia L. Atienza, Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) Department Head, tungkol sa usaping ito. Ayon sa kanya, kung nagawa ng San Jose Sico Multi-Purpose Landfill Cooperative ay magagawa rin ng ibang bayan sa pamamagitan ng determinasyon at kung may kagustuhang magbuo ng sariling kooperatiba ay maaring makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan. – Marinela Jade Maneja – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.