Tamang Nutrisyon para sa Bawat Batang Batangueño, Patuloy na Tinututukan

2018 Nutrition Month Celebration, ginanap sa Batangas Capitol
July 26, 2018
Provincial Solid Waste Management Board Meeting, Idinaos
July 26, 2018

Malnutrisyon ay labanan, tamang nutrisyon makakamtan. Masayang umakyat ng entablado ang ilan sa mga 2017 Provincial Supplementary Feeding Program Beneficiaries na sinalubong naman ng may buong kagalakan ni Batangas Governor Dodo Mandanas. Ang presentasyon ng mga batang sumailalim sa nakaraang taong Feeding Program ay kaalinsabay sa 2018 Nutrition Month Celebration ng Pamalaang Panlalawigan ng Batangas noong ika-25 ng Hulyo na ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol, Compound, Batangas City. ✐Mark Jonathan M. Macaraig/Photo by Jhay Jhay B. Pascua – Batangas Capitol PIO

July 26, 2018

Malnutrisyon ay labanan, tamang nutrisyon makakamtan. Masayang umakyat ng entablado ang ilan sa mga 2017 Provincial Supplementary Feeding Program Beneficiaries na sinalubong naman ng may buong kagalakan ni Batangas Governor Dodo Mandanas. Ang presentasyon ng mga batang sumailalim sa nakaraang taong Feeding Program ay kaalinsabay sa 2018 Nutrition Month Celebration ng Pamalaang Panlalawigan ng Batangas noong ika-25 ng Hulyo na ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol, Compound, Batangas City. ✐Mark Jonathan M. Macaraig/Photo by Jhay Jhay B. Pascua – Batangas Capitol PIO

Hangarin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang mabigyan ng atensyon ang pagpapahalaga at pangangalaga sa ating kalusugan. Isa na nga dito ang tuloy-tuloy na pagtugon upang wakasan ang malnutrisyon sa bawat batang Batangueño.

Ang malnutrisyon ay isang kalagayan kapag ang katawan ng tao ay hindi nakakukuha nang sapat na sustansiya o bitamina na kinakailangan nito upang makaiwas sa mga sakit, makapag-isip ng ayos at magkaroon ng malusog na pangangatawan.

Kaugnay nito, sa pangunguna ng Tanggapan ng Panlalawigang Pangkalusugan katuwang ang mga magulang at Barangay Nutrition Scholars, patuloy na isinasagawa sa mga piling barangay ng bawat bayan at lungsod ang Food Assistance o mas kilala sa tawag na Supplementary Feeding Program (SFP).

Bilang patunay sa tagumapay ng proyekto, ipineresenta ang ilan sa mga bata na sumailalim sa feeding program noong nakaraang taon kasabay ng 2018 Nutrition Month Celebration na isinagawa noong ika-25 ng Hulyo sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Bakas sa kanilang mga labi ang saya sa pagkakaroon ng isang malusog at malakas na pangangatawan, na lubos namang ikinatuwa ng gobernador.

Ang mga beneficiaries ay kinakitaan ng malaking pagbabago sa kanilang mga timbang. May mga batang ang dating bigat ay 11.0 kgs. na classified bilang underweight sa kanilang edad, ay tumitimbang na ngayon ng mahigit sa 15 kgs.; mula naman sa 8.9 kgs. na severely underweight noon sa kanilang age group ay naging 14.3 kgs. na ngayon.

Ang naturang programa ay may layuning maibsan ang bilang ng maraming bata na kulang sa timbang o payat at kulang sa sustansiya. Sa pagtatapos ng proyekto, inaasahan na makapagbibigay ito sa bawat benepisyaryo ng kaukulang food supplements, at least 70% na pagbabago sa nutritional status at patuloy na pagbaba ng prevalence rate of malnutrition sa probinsya.

Sa ilalim ng Supplemantary Feeding Program, ang mga kulang sa timbang o malnourished na mga bata, edad dalawa hanggang apat na taong gulang ay papakainin ng masusustansyang pagkain, limang araw bawat lingo sa loob ng nakatakdang bilang ng buwan na kadalasan ay tumatagal hanggang tatlong buwan.

Kabahagi rin nito ay ang pagsasagawa ng taunang Oplan Timbang (OPT) kung saan binabantayang mabuti ang tangkad at timbang ng mga bata. Ang mga datos na makokolekta ay pag-aaralan upang malaman kung anong kaukulang hakbang ang kinakailangan ng bawat bata. Dito malalaman ang kanilang estado kung sila man ay underweight, normal, o overweight.

Ayon sa datos ng Provincial Health Office (PHO), noong 2017 ay mayroon silang naitalang 1,000 underweight at severely underweight pre-school children. Nanguna sa dami ng bilang ng mga benepisyaryo ang bayan ng Balayan na may 314 na bata at sa city category naman ay ang Batangas City na mayroong 50 benepisyaryo.

Umaasa ang PHO na sa ganitong pamamaraan ay unti-unting masusugpo ang problema sa malnutrisyon. Sa katunayan, ngayong Agosto, nakatadang muling umarangkada ang Food Assitance sa iba’t-ibang barangay sa Lalawigan ng Batangas. – Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.