Philippine Red Cross Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan

Invitation to Bid – PRDP Project (Farm to Market Road)
July 22, 2022
Courtesy Call of Batangas Province First Level Court Judges Association
July 25, 2022

July 25, 2022

PRC Nagpasalamat din sa Batangas Capitol

Binigyang-parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas si Philippine Red Cross (PRC) Batangas Chapter Administrator, Mr. Ronald Generoso, sa pagkakahirang nito bilang Pangulo ng PRC Chapter Administrators’ League (2022-2024) kaalinsabay sa lingguhang flag ceremony noong ika-18 ng Hulyo 2022 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Bukod sa pagkakahalal sa pambansang samahan ng PRC chapter administrators, kinilala rin ng Kapitolyo, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, ang pagiging aktibong katuwang ng Lalawigan ng Batangas ni Generoso, bilang tagapamahala sa lokal na PRC, sa iba’t ibang sitwasyong pang-medikal, pang-kalusugan at emergency, sa harap ng patuloy na banta ng aktibong bulkang Taal at pandemyang bunsod ng COVID-19.

Samantala, binigyan din ng sertipiko ng pagkilala si Governor Dodo Mandanas ng PRC – Batangas Chapter, na personal na iniabot ni PRC Batangas Chapter Board of Directors Chairperson Honesto Babasa, para sa kanyang walang humpay na paghahatid ng serbisyo publiko, pagiging kabalikat ng Red Cross sa mga blood donation campaigns at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Batangueño.

Jayne Elarmo /Photos–Junjun de Chavez Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.