July 25, 2022
Malugod na tinanggap ng pamunuan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang mga opisyal ng Batangas Province First Level Court Judges Association, Inc. na nag-courtesy call kay Gov. DoDo Mandanas noong ika-18 ng Hulyo 2022 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.
Bumisita sa Kapitolyo ang ilang hukom ng lalawigan, sa pangunguna ng kanilang association president na si Judge Maria Socorro Alea-Godoy ng Municipal Trial Court ng Alitagtag-Sta. Teresita, Batangas (kanan). Kasama ni Gov. Mandanas sa pagsalubong sa mga hukom ang ilang Board Members ng lalawigan. Kasunod nito, nakipagpulong ang gobernador sa mga hukom sa kanyang tanggapan.
Photo: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO