300 Batangueño Students, Kasali sa Batangas Province SPES

Sama-sama para sa Koop Batangan
April 3, 2017
Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Nakaalerto sa Panganib ng Lindol
April 5, 2017

April 4, 2017

300 mga mag-aaral sa Lalawigan ng Batangas ang nakasama sa Special Program for the Employment of Students o SPES para ngayong 2017 na isinasagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) kabalikat ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, at mga Local Government Units (LGUs).

Ayon kay Provincial Assistance for Community Development (PACD) Officer Dr. Amante Moog, hangad ng SPES na matulungan ang mga mahihirap ngunit karapat-dapat na estudyante sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga ito na magtrabaho sa panahon ng kanilang bakasyon sa paaralan.

60% ng ibabayad na suweldo sa mga mag-aaral ay manggagaling sa pamahalaang panlalawigan, samantalang ang 40% naman ay sasagutin ng DOLE.

Ang mga mag-aaral na ito ay may edad 15-25 taong gulang, kasalukuyang naka-enroll sa kasalukuyang school year o termino, may passing grade at ang pinagsamang buwanang kita ng mga magulang ay hindi lalampas sa P9,568.50.
Magsisimula ang trabaho ng mag-aaral sa iba’t ibang LGUs sa darating na April 24 hanggang May 22,2017. Makakatanggap sila ng minimum wage na P356 kada araw o ng kabuuang halagang P7,130.

Ang SPES ay isang programa ng pamahalaan na nakasaad sa Republic Act 9547 na nag-aamyenda sa RA 7323, 0 An Act to Help Poor but Deserving Students Pursue their Education by Encouraging their Employment during Summer.

Sa kasalukuyan, may mga private companies na din na kabalikat ang pamahalaan para sa SPES. Jhun Magnaye – PIO Batangas Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.