Pamahahagi ng Sentinel Pigs, Isinasagawa ng Batangas ProVet, DA-4A

Invitation to Submit Quotation (Shopping)
May 31, 2022
Gov. DoDo, Kinilala ng Bayan ng Balete dahil sa Mandanas Ruling
June 1, 2022

May 31, 2022

Isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Veterinary Office (ProVet), ang Sentinel and Repopulation Program o pamamahagi ng mga biik sa mga hog farmers sa mga lugar sa lalawigan na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF).

Layunin ng proyektong ito, katuwang ang Department of Agriculture-Region 4A (DA-4A), na mabigyan ng panibagong panimula ang mga nag-aalaga ng baboy at mapatunayan na wala na ngang infectious diseases sa mga bayan at lungsod ng lalawigan. Kabilang sa mga naabot na ng proyekto ang mga bayan ng Calatagan, Lian, Calaca, Agoncillo, Laurel, Talisay, Taysan, Padre Garcia, at mga lungsod ng Lipa, Tanauan at Sto. Tomas.

Ayon sa naging panayam kay Dr. Annierica Lajarca Cascalla, Veterinarian IV ng ProVet, ang mga sentinel pigs na ito ay ipinapapamigay sa mga hog farmers upang maobserbahan at matiyak na negatibo na ang mga lugar sa ASF at iba pang nakahahawang sakit, at maaari na muling masimulan ang pagpapadami ng mga baboy.

295 sentinel pigs ang naipamahagi noong ika-26 ng Marso 2022, 200 noong ika-29 ng Marso 2022, at 320 noong ika-26 ng Mayo. Bukod dito, ayon sa ProVet, may kabuuang 1,620 na biik pa ang magmumula sa DA-4A.

Inaasahan na sa dulo ng proseso ng programa, magiging daan ito upang muling maparami ang hog population sa Batangas at mapataas muli ang suplay ng karneng baboy na ibinebenta sa merkado.

Janssen Olimba, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.