Pagsasanay sa Corn Production, Isinagawa ng Batangas Provincial Agri Office

Financial, Material, and Employment Assistance ng PACD Ipinamahagi sa Kapitolyo
August 11, 2023
OPAg, BFAR IV-A, Magkatuwang na Palalakasin ang Produksyon ng Asin sa Batangas
August 11, 2023

August 11, 2023

Pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist, sa pamumuno ni Provincial Agriculturist, Dr. Rodrigo Bautista, ang isinigawang Meeting and Training on Corn Production noong ika-9 ng Hulyo, 2023 sa Province-Led Agriculture & Fisheries Extension Systems (PAFES) Center sa Bolbok, Lungsod ng Batangas.

Dinaluhan ng mga pangulo ng iba’t-ibang Farmers’ Associations at mga active corn farmers sa bawat lungsod at munisipalidad sa Lalawigan ng Batangas ang nasabing pagsasanay.

Layunin nito na magbigay ng dagdag kaalaman sa mga corn farmers sa tama at wastong pangangalaga ng kanilang mga tanim at pamamahala ng peste sa mais.

Tinalakay ng resource speaker na si Bryan Plata, na nagmula sa Regional Crop Protection Center 4 ng Department of Agriculture, ang tungkol sa Pest and Diseases Management, samantalang Good Agricultural Practices (GAP) for Corn naman ang paksang ibinahagi ni Batangas GAP Focal Person Melinda Mendoza.

Naging paksa rin dito ang mga suliranin at pagsubok na kinakaharap ng mga magsasaka mula pagtatanim hanggang pag-aani ng mais.

Ayon kay Ginoong Francisco Tegon, pangulo ng Batangas City Corn Growers’ Association na kabilang sa mga dumalo, mahalaga ang naturang pagsasanay dahil malaking tulong ito sa mga magsasakang Batangueño, lalo’t higit at kinukulang ang bansa sa suplay ng mais.

Lubos din ang kanyang naging pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, sa pagkakaroon ng mga ganitong programa at sa patuloy na pagpapataas pa ng antas ng agrikultura sa lalawigan.

Vinson Roi De Chavez / Photos: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.