Financial, Material, and Employment Assistance ng PACD Ipinamahagi sa Kapitolyo

Supplemental / Bid Bulletin No. 02 Project No. J-018
August 9, 2023
Pagsasanay sa Corn Production, Isinagawa ng Batangas Provincial Agri Office
August 11, 2023

August 11, 2023

Mahigit ₱2.3 Milyon na halaga ng cash assistance at mga materyales ang ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Assistance for Community Development (PACD), sa iba’t ibang mga barangay at indibidwal sa lalawigan.

Personal na pinangunahan ni Gov. DoDo Mandanas, katuwang si PACD Department Head Fredesvinda Mendoza, ang pamamahagi ng Financial, Material, and Employment Assistance sa Bulwagang Batangan, Office of the Governor sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas ngayong araw, Agosto 11, 2023.

Kabilang sa mga naipamahaging tulong ang employment assistance ng Public Employment Service Office para sa mga displaced workers; Provincial Service Incentive para sa mga retired barangay functionaries; at monoblock chairs, computer sets, grass cutter, CCTV at financial assistance mula sa Barangay Community Affairs Division.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong patuloy na makapagbigay ng alalay sa mga barangay ng lalawigan, kilalanin ang serbisyong naibigay ng mga retirado nang mga barangay officials at volunteer workers, at makatulong sa mga Batangueñong nawalan ng hanapbuhay.

Kasama sa mga naging benepisyaryo ang mga barangay ng Masaya at Nasi sa Bayan ng Rosario, Brgy. Buco ng Bayan ng Talisay, Mahabang Dahilig at Pallocan East ng Batangas City, at Barangay Maricaban sa Bayan ng Tingloy.

Mon Antonio A. Carag III / Photos: Francis A. Milla – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.