“Pagdiriwang ng Buwan ng Museo Exhibit” Binuksan sa Museo ng Batangas sa Kapitolyo

Resolution No. 1409 Year 2023 – A RESOLUTION AUTHORIZING THE HONORABLE GOVERNOR HERMILANDO I. MANDANAS IN BEHALF OF THE PROVINCE OF BATANGAS TO ENTER INTO A MEMORANDUM OF AGREEMENT WITH THE CITY GOVERNMENT OF LIPA RELATIVE TO THE CONVEYANCE, TRANSFER, ASSIGNMENT AND TURNOVER OF THE MANAGEMENT, CONTROL, OWNERSHIP AND OPERATION OF THE LIPA CITY DISTRICT HOSPITAL (LCDH) FROM THE PROVINCIAL GOVERNMENT PF BATANGAS (PGB) TO THE CITY GOVERNMENT OF LIPA (CGL)
October 9, 2023
2023 Governor’s Cup winners, kinilala ng Kapitolyo
October 9, 2023

October 9, 2023

Pormal na binuksan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Hermilando Mandanas, at sa pamamagitan ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), ang “Buwan ng Museo, Pagdiriwang ng Diwang Batangueño Exhibit” sa Museo ng Batangas sa People’s Mansion, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas ngayong araw, ika-9 ng Oktubre 2023.

Kaugnay ang exhibit ng pagdiriwang ng Oktubre bilang buwan ng mga museo at galleria, sang-ayon sa Presidential Proclamation No. 78, Series of 1991, kung saan binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagtataguyod at tuon sa pambansang kamalayan at pagmamalaki sa mayamang kultura at pamana ng mga Pilipino, na kinakatawan ang mga adhikain ng bansa, at ipinapahayag sa lahat ng media ng sining at mga artifacts sa kasaysayan at relihiyon.

Ayon sa PTCAO, kinikilala ng pagdiriwang na ang mga anyong pangkultura at sining ay kinakailangan para sa pagbuo ng bansa at paghubog ng pambansang tadhana.

Nagpasalamat naman si Gov. Mandanas sa mga dumalo sa pagbubukas ng eksibisyon, kabilang sina Sultan Coyogan Benaning Bansao ng Royal Houses of Sultanate of Batangas, Vice Gov. Mark Leviste, Anakalusugan Partylist Congressman Ray Reyes, Provincial Administrator Wilfredo Racelis, 6th District Senior Board Member Claudette Ambida at iba pang mga board members ng Sangguniang Panlalawigan.

Katuwang ng PTCAO sa halong isang buwan na exhibit ang Batangueñong Grupo sa Sining at Kultura (BAGSIK), na itinatag noong 1991, sa pangunguna ng kanilang founder na si Ginoong Remo Valenton.

Ang Buwan ng Museo Exhibit sa Kapitolyo ay matutunghayan hanggang ika-30 ng Oktubre 2023, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

V. Altar / Photos: Francis Milla – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
22

Comments are closed.