Outstanding Nutrition Program Implementers ng 2021, Pinarangalan

Notice of Vacant Positions (October 25, 2022)
October 25, 2022
Little Officials Tampok sa Ika-16 na Session sa Sangguniang Panlalawigan
October 25, 2022

October 25, 2022

Patuloy ang pagtutok ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pagpapatupad ng maayos na programa para sa kalusugan upang matugunan ang mga pangangailangang medikal ng mga Batangueno, lalo na ngayong umiiral pa rin ang COVID -19 pandemic.

Kaugnay nito, binigyang-pagkilala ng pamahalaang panlalawigan ang mga Outstanding Nutrition Implementers para sa taong 2021 mula sa mga local government units sa buong lalawigan noong ika-24 ng Oktubre 2022 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Para sa Local Nutrition Focal Person Category, itinanghal na Provincial Outstanding Barangay Nutrition Scholar(BNS) si Ms. Salome A. Magpantay mula sa bayan ng Alitagtag, habang kinilalang Provincial Outstanding Municipal Action Officer si Ms. Clara V. Pilapil ng Lungsod ng Calaca.

Nahirang namang Provincial Outstanding Barangay Nutrition Committee ang Barangay Salvador Agito ng Bayan ng Alitagtag, sa pamumuno ni Brgy. Capt. Rogel Dimaunahan.

Sa kategoryang Provincial Outstanding Municipal Nutrition Committee, ang Lungsod ng Calaca ang nagkamit ng unang gantimpala, na sinundan ng mga Bayan ng San Jose , Cuenca at Alitagtag na tumanggap ng ikalawa, ikatlo at ikaapat na gantimpala, sang-ayon sa pagkakasunod.

Tumanggap naman ng parangal ang Bayan ng Taysan matapos makapagtala ng pinakamataas na Success Rate na 93.76% sa Operation Timbang, na layong mapababa ang bilang ng mga kabataan ma malnutrisyon sa lalawigan. Sinundan ito ng mga Bayan ng Calaca, na may 91.38% Success Rate; Bayan ng San Jose, na nakakuha ng 85.80% success rate; Bayan ng Nasugbu, na may 82.15% rating; at Lungsod ng Sto. Tomas, na may 80.54% success rate.

Pinarangalan din ang mga Best Performing Nutritionist-Dietitians ng Provincial Nutrition Services sa mga district hospitals ng lalawigan. Pinangunahan ito ni Ms. Grace Dimangondayao ng Martin Marasigan Memorial Hospital sa Lungsod ng Calaca, habang sina Ms. Barbara Pleto at Ms. Florah Leah Ronquillo ng Lipa City District Hospital ang nag – 1st Runner-Up; Ms. Maria Princess Camo ng Lobo District Hospital ang 2nd Runner-Up; at Reina Lizardo ng Don Manuel Lopez Memorial District Hospital sa Balayan ang 3rd Runner-Up.

Kasama sa mga naggawad ng pagkilala sa mga nutrition implementers sina Provincial Administrator Wilfredo Racelis, Acting Vice Governor Claudette Ambida-Alday, 2nd District Board Member at Committee on Health and Sanitation Chair Arlene Magboo at iba pang mga bokal.

Mon Antonio A. Carag III – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.