Little Officials Tampok sa Ika-16 na Session sa Sangguniang Panlalawigan

Outstanding Nutrition Program Implementers ng 2021, Pinarangalan
October 25, 2022
GAD AGENDA 2022-2027 Workshop ng Kapitolyo Ginanap
October 25, 2022

October 25, 2022

Naging tampok ang mga Batangas Little Officials sa isinagawang ika-16 na regular session ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas noong ika-24 ng Oktubre 2022, kaugnay ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan, na may temang “Intergenerational Solidarity: Creating a World for all ages.”

Ang labing anim na Little Officials ay mga piling kabataan ng iba’t ibang Provincial Youth Organizations sa mga bayan ng lalawigan na aktibong tumutulong sa mga aktibidad ng Sangguniang Kabataan (SK) Federation, ayon kay Batangas SK Provincial Federation president, Board Member Maria Louise Vale.

Ayon kay BM Vale, ang durasyon ng pagiging Little Officials ng mga kabataan ay simula kahapon, ika-24 ng Oktubre, hanggang November 3, 2022. Kinakatawan ng Little Officials ang mga posisyon mula Gobernador, Vice Governor hanggang sa mga bokal ng lahat ng distrito.

Isinagawa ang naturang session, sa pangunguna ni Acting Vice Governor – 5th District Senior Board Member Claudette Ambida, kung saan tuloy-tuloy na tinalakay at inaksyunan ang mga pangangailangan ng lalawigan.
Samantala nagbigay kortesiya din sa Sangguniang Panlalawigan si Ms. Beatriz “Zea” Awatin ang nanalong Miss Progress Human Rights sa paligsahan na Miss Progress International 2022 sa Puglia, Italy.

Babylyn Coz-Paña/ Photos: Macc Venn Ocampo

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
11

Comments are closed.