Orientation on Culture, Isinagawa ng PTCAO at NCCA

Pagsasanay Tungkol sa Manicure at Pedicure with Hand at Foot Spa, Isinagawa
February 21, 2018
Philippine Association of Social Workers, Inc.
February 23, 2018

February 23, 2018

Bilang bahagi sa selebrasyon ng National Arts Month, isang orientasyon patungkol sa kultura ang isinagawa ng Provincial Tourism Culture and Arts Office (PTCAO), katuwang ang Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (National Commission for Culture and the Arts), na ginanap sa Batangas Country Club, Batangas City noong ika- 23 ng Pebrero 2018.

Ang nasabing programa ay dinaluhan ni Board Member Claudette Ambida- Alday para sa pambungad na pananalita; Mr. Bernardo M. Arellano III, kinatawan ng NCCA; at Atty. Slyvia M. Marasigan, Provincial Tourism and Cultural Affairs Officer.

Kasama ring nakiisa ang mga kasaping bumubuo ng Batangas Culture and Arts Council mula sa magkakaibang sector at mga nasa local media organizations.

Layunin ng orientasyon na mas lalong pagtibayin at palawigin pa ang kaalaman ng bawat council members upang buhayin at pagyamanin ang kulturang Pilipino sa Lalawigan ng Batangas.

Tinalakay ni Mr. Arellano ang paksang nakatuon sa kultura alinsunod sa National Cultural Heritage Act 2009 para bigyang proteksyon at mapanatili ang kasaysayan at pamanang kulturang Pilipino na nagmula pa sa ating mga ninuno.

Sa pagtatapos ng programa, nagpasalamat si Atty. Marasigan sa lahat ng mga naglaan ng kanilang oras upang makiisa sa naturang orientasyon at umaasang maibahagi ang mga kaalaman sa kani-kanilang nasasakupang bayan para sa pagtutulungan at pag-angat ng kulturang Batangueño.   Ma. Cecilei C. De Castro – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.