Pagsasanay Tungkol sa Manicure at Pedicure with Hand at Foot Spa, Isinagawa

Building a Rich Batangas
February 20, 2018
Orientation on Culture, Isinagawa ng PTCAO at NCCA
February 23, 2018

February 21, 2018

Upang mapabuti ang kakayahan sa pagtratrabaho at kabuhayan ng sektor ng kababaihan sa Lalawigan ng Batangas,  isinagawa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), katuwang ang mga non-government organizations at local government units, ang pagsasanay  sa Manicure at Pedicure with Hand at Foot Spa na ginanap noong Pebrero 12 hanggang 16, 2018 sa Cuenca, Batangas.

Ang pagsasanay na dinaluhan ng 30 miyembro ng Cuenca Municipal Women Coordinating Council (MWCC) ay napiling isagawa sapagkat, bukod sa in-demand ito, ang ganitong uri ng kabuhayan ay maaaring trabahuhin sa kanilang mga libreng oras.  Nabigyan din ng starter kit ang mga dumalo.  Ang proyektong ito ay pinangunahan  ni   Ms.  Marites De Chavez, Admin Aide IV ng PSWDO, na tatayong pangunahing tagapagsanay.

Target ng proyekto na makapagbigay kasanayan sa 240 kababaihan mula sa iba’t ibang bayan ng Batangas.  Inaasahan namang ang mga dumalo ay magkakaroon ng pagkukunan ng kabuhayan, tataas ang tiwala sa sarili at maiaangat ang estado sa buhay maging ng kanilang pamilya. Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.