NGCP, Batangas LGUs nagpulong tungkol sa Batangas-Mindoro 230 kV Interconnection Project

Batangas Province EL Niño Task Force handa na sa epekto ng tagtuyot sa lalawigan
March 22, 2024
Information Officers ng Batangas Province nagtipon, naghalal ng mga opisyal ng samahan
March 23, 2024

March 23, 2024

Aktibong nakilahok ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pagpupulong tungkol sa ipinapanukalang Batangas-Mindoro 230 kV Interconnection Project (BMIP) ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ginangap noong ika-22 ng Marso 2024 sa PCLEDO Conference Room sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas.

Pinangunahan ni Gov. Hermilando Mandanas ang mga opisyal at kawani ng Batangas Capitol sa pagtitipon, kung saan tinalakay ang mga kasalukuyang isinasagawa sa proyektong naglalayong mabigyan ang isla ng Mindoro ng direktang koneksyon sa mga power supply na mayroon sa main Luzon Grid, mabawasan ang paggamit ng Mindoro sa diesel plants, at maisulong ang pagkakaroon ng renewable energy plants dito.

Ang BMIP ay sertipikado ng Department of Energy bilang isang Energy Project of National Significance, at inaasahang makapagpapababa ng Universal Charge of Missionary Electrification na ipinapataw sa mga consumers at end-users.

Ipinaalala naman ni Gov. Mandanas sa NGCP at mga nagpapatupad ng proyekto na siguruhin ang maayos na pakikipag-ugnayan sa mga pamahalaang lokal na dadaanan ng paggawa, partikular ang mga komunidad at barangay na direktang maaapektuhan nito. Ibinilin din ng gobernador na bigyang halaga ang proteksyon ng marine resources sa Verde Island Passage na nasa ruta ng proyekto.

Ang interconnectivity routes ay dadaan mula sa Substation sa Barangay Pinamucan ng Lungsod ng Batangas at Bayan ng Lobo, patungong Calapan Substation sa Mindoro.
Ayon sa NGCP, kabilang sa mga isinasagawa na sa kasalukuyan ang mga pre-construction activities tulad ng marine / hydrographic survey, topographic survey, route surveys, at iba pang technical, environmental, and social aspects evaluations.

Tiniyak din ni Gov. Mandanas ang buong suporta at kooperasyon ng pamahalaang panlalawigan sa proyekto, bilang pagpapakita at pagsusulong ng “whole of government and private sector approach.”

Nakiisa rin sa pagpupulong sina Provincial Administrator Wilfredo Racelis; PPDO Officer-in-Charge, EnP. Marisa M. Mendoza; Assistant Provincial Administrators, Atty. Mariane Tingchuy at Atty. Sarah Lou Sulit; PPDO Policy Formulation and Planning Division Chief, EnP. Maryann Maldonado; at mga kinatawan ng Pamahalaang Bayan ng Lobo, Pamahalaang Panlungsod ng Batangas, DOE at NGCP.

V. Altar – from Maryann Maldonado PPDO – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.