Batangas Province EL Niño Task Force handa na sa epekto ng tagtuyot sa lalawigan

2024 Regional, Provincial Women’s Month Celebration, isinagawa sa Lalawigan ng Batangas
March 22, 2024
NGCP, Batangas LGUs nagpulong tungkol sa Batangas-Mindoro 230 kV Interconnection Project
March 23, 2024

March 22, 2024

Opisyal na nagpulong ang mga kinatawan ng binuong Batangas Provincial Task Force on El Niño Phenomenon nitong ika-22 ng Marso, upang balangkasin at pagtalakayan ang isasagawang programa at aksyon ng Lalawigan ng Batangas upang harapin ang hamon ng tagtuyot o drought na mararanasan sa mga susunod na buwan sa buong bansa, partkilar sa kalakhang Luzon.

Base sa itinakdang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Memorandum Circular 05, Series of 2023, na nagpapahintulot sa mga lokal na pamahalaan sa buong Pilipinas na bumuo ng kanilang localized Task Force, inilatag ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa mga designated focal persons ng mga kasaping tanggapan sa Kapitolyo ang kanilang mga roles, responsibilities at designated clusters para sa pagpapaganap ng El Niño National Action Plan.

Pinangunahan ang nasabing pulong ni Provincial Administrator Wilfredo Racelis, bilang Chairperson ng nasabing task force, kasama ang Provincial Assistance for Community, Public Employment and Youth and Sports Development Office (PACPEYSDO) na tumatayong co-chairperson, at mga kinatawan ng ilang mga national agencies at provincial government departments bilang miyembro.

Sa inilahad na Batangas El Niño situation and future outlook, kasalukuyang nakakaranas ang lalawigan ng average temperature na naglalaro sa 31-36 degree Celsius, na sumasailalim sa kategorya ng Dry Spell.

Ngunit sa forecast ng PAGASA, ang kalakhang bahagi ng Luzon, kasama ang Lalawigan ng Batangas, ay inaasahang makararanas ng matagalang tagtuyot o drought.

Kung kaya at sa mga ipinakitang parametro, minabuti ng EL Niño Task Force na magbuo at paigtingin pa ang mga programang nakapaloob sa 2014 EL Niño Action Plan ng lalawigan na tumutugon sa Food Security and Economic Mitigation para sa mga mamamayan nito.

Ang ilang sa mga nakatakdang pagtutuunan ng pansin ay ang pagpapatayo ng mga shallow wells, pagtatayo ng mga water o rain catchments, pest management, water supply security, planting schedule adjustments, at pagtatanim ng mga climate-resistant plants and seedlings sa lalawigan.

Muling magtitipon ang Provincial Task Force on El Niño Phenomenon sa darating na ika-3 ng Abril 2024 upang ibahagi sa lupon ang bawat nabuong programa at mga hakbang ng kani-kanilang tanggapan upang labanan ang epekto ng tag-tuyot na inaasahan makapipinsala ng aabot sa milyong pisong halaga sa mga larangan ng agrikultura at kabuhayan sa lalawigan.

Edwin V. Zabarte – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.