Natatanging Pamilyang Batangueño, Pinarangalan ng Kapitolyo

Outstanding Employees ng Kapitolyo, Pinarangalan sa Anibersaryo ng Serbisyo Sibil
October 3, 2022
Supplemental / Bid Bulletin No. 01
October 5, 2022

October 4, 2022

Pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas bilang Huwarang Pamilyang Batangueño 2022 ang mag-anak nina Ginoo at Ginang Mansueto Camilan ng Bayan ng Taysan, na bahagi ng National Search para sa Natatanging Pamilyang Pilipino na may hangaring maisalarawan ang isang matatag, maginhawa, at panatag na pamilyang Pilipino.

Ang awarding ay pinangunahan ni Gov. DoDo Mandanas noong ika-3 ng Oktubre 2022 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.

Inilunsad ito ng National Council for the Filipino Family (NCFF) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office IV-A. Sa pamamagitan ng Batangas Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), isang screening ng mga nominadong mga pamilyang Batangueño mula sa iba’t-ibang munisipalidad ang isinagawa.

Matapos mahirang sa panlalawigang lebel, ang Pamilya Camilan ay nakatakdang iakyat sa regional search ng DSWD IV-A.

Tumanggap naman ng consolation prizes ang mag-anak nina Mr. and Mrs. Nicolas Maligo Jr. ng Mataas na Kahoy, Mr. and Mrs. Rogelio Talag ng Bauan at Mr. and Mrs. Romeo Maligaya ng Lungsod ng Batangas, na kabilang sa mga naging nominadong pamilya.

Gumanap na mga hurado at pangunahing nagsuri sa mga itinakdang pamantayan sina Gng. Christine Buno mula sa DSWD-Provincial Operating Office, Gng. Elnora Manalo, presidente ng Catholic Womens’ League, at Gng. Thelma Panganiban, na bahagi rin ng Catholic Womens’ League.

Ornald Tabares, Jr/Photos: Jun-Jun Hara De Chavez, Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.