Mga Scholars na Nagsipagtapos na may Latin Honors, Binigyang-parangal

Mahigit 1K Senior High Schoolers, Pinagkalooban ng Educational Tablets
October 5, 2022
Luksang Parangal para kay dating Bokal Boy Rosales, Idinaos sa Kapitolyo
October 8, 2022

October 5, 2022

Binigyang-parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang 20 nitong mga iskolar na nagkamit ng latin honors sa kanilang pagtatapos sa kolehiyo, kasabay ng Lingguhang Pagpupugay sa Bandila noong Oktubre 3, 2022 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Pinamunuan ang aktibidad ng mga opisyal ng Kapitolyo, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas at mga Board Members ng Sangguniang Panlalawigan, kung saan pitong magna cum laude at 13 cum laude graduates ang tumanggap ng medalya, sertipiko ng pagkilala at cash incentives.

Binati ni Gov. Mandanas ang mga mag-aaral, na nagpamalas ng galing at sipag, kung kaya at nagsipagtapos ng may natatanging karangalan. Ganun din, pinasalamatan nito ang kanilang mga guro at magulang sa paggabay sa mga bata na pagsumikapan ang pagkakataon na maging iskolar na pamahalaang panlalawigan.

Sa isang video, ibinahagi ni Jessa Vale Villanueva ang mga pagsubok na kanyang kinaharap bilang mag-aaral na kapos sa buhay. Aniya, naging malaking tulong ang kanyang pagiging iskolar para maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at makatulong sa pangangailangang pinansiyal ng kanyang pamilya.

Dahil sa kanyang pagpupursige, si Villanueva ay nagtapos na magna cum laude sa kursong Bachelor of Science in Business Administration – Human Resource Development mula sa Batangas State University – Lipa Campus.

Sa kanyang pagtatagumpay, hindi niya nakalimutan na pasalamatan ang pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Gov. Mandanas, sa programang kanilang ipinatutupad para sa mga katulad niya na nangangarap.

Gian Marco Escamillas, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.