Luksang Parangal para kay dating Bokal Boy Rosales, Idinaos sa Kapitolyo

Mga Scholars na Nagsipagtapos na may Latin Honors, Binigyang-parangal
October 5, 2022
Notice of Vacant Positions
October 11, 2022

October 8, 2022

Isang luksang parangal ang inihandog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para sa pumanaw na dating Board Member ng Unang Distrito ng lalawigan, Hon. Roman “Boy” Rosales, na pinangunahan nina Acting Vice Governor Claudette Ambida at mga board members ng iba’t-ibang distrito, sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas.

Inilagak noong ika-6 ng Oktubre 2022 ang labi ng dating bokal sa Salvador H. Laurel Session Hall ng Apolinario Mabini Legislative Building, kung saan nagtipon ang mga kapamilya, sa pangunguna ni Board Member Junjun Rosales, kaibigan, dating kasamahan sa larangan ng serbisyo publiko, at mga kawani ng Kapitolyo upang alalahanin at bigyang pagkilala ang hindi matatawarang paglilingkod ni Bokal Boy, bilang kinatawan ng unang distrito at punong-bayan ng Lemery.

Si Bokal Boy ay pumanaw noong ika-28 ng Setyembre 2022, sa edad na 69.

Bilang isang public servant, si Bokal Boy ay nagsilbi bilang Municipal Councilor ng Lemery, Pangulo ng Philippine Councilors’ League – Batangas Chapter, Punong Bayan ng Lemery at Provincial Board Member ng Unang Distrito ng Batangas.
Siya rin ang naging kauna-unahang Provincial Office for Senior Citizen Affairs (POSCA) Head.

Nagbigay ng kani-kaniyang mensahe ang mga Board Members ng lalawigan. Sinundan ito ng mga ilang mga kasalukuyan at dating department heads na nagbigay din ng pagpupugay sa dating naging kasamahan sa Kapitolyo.

Nagpaabot din ng mensahe sina Gov. DoDo Mandanas, na kinatawan ni Executive Assistant Philip Baroja, at Vice Gov. Mark Leviste, na nagbahagi ng saloobin sa pamamagitan ng isang recorded video.

Ayon sa kanila, hindi matatawaran ang ginawa sa Unang Distrito ni Bokal Rosales, maging sa Sangguniang Panlalawigan, dahil ang pagseserbisyo nito sa publiko ay may puso, na ipinamana naman nito sa anak na si Bokal Junjun, na patuloy na maglilingkod sa mga Batangueño.

Naging emosyunal si Board Member Junjun nang magbigay ng pagtugon sa mga mensahe ng mga dumalo at nakiisa sa luksang parangal para sa kanyang ama. Nagbigay siya ng maikling istorya tungkol sa pagmamahal at dedikasyon ni Bokal Boy bilang isang public servant, na bagaman at tapos na ang termino ay patuloy pa rin ang pagtulong sa mga kababayan, sa kabila ng kanyang karamdaman.

Sa panghuling bahagi ng programa, ipinirisinta ng Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni acting Vice Governor Ambida, kasama ng mga bokal, ang isang resolution sa pamamagitan ng Sertipiko ng Pagkilala at Parangal sa pamilya ng yumaong bokal, na ibinabahagi ang “taos puson nitong paglilingkod para sa kabutihan ng bawat mamayang Batangueño bilang isang huwarang na public servant,” kasabay ang pagtutupi ng watawat ng Pilipinas na inihandog sa pamilya, bilang pagpupugay.

Babylyn Coz-Paña/ Photos: Karl Ambida

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.