Mahigit 1K Senior High Schoolers, Pinagkalooban ng Educational Tablets

Notice of Award – Purchase of 1,000,000 tablets of Sodium Ascorbate 500mg + Zinc 10mg (film coated) for distribution to healthworkers and other frontliners of the Provincial Government of Batangas including patients treated/confined on district hospitals
October 5, 2022
Mga Scholars na Nagsipagtapos na may Latin Honors, Binigyang-parangal
October 5, 2022

October 5, 2022

Tuloy-Tuloy ang suporta ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa pagtataas ng kalibre at antas ng karunungan ng mga kabataang Batangueño, matapos maipamahagi ang may 1,111 na educational tablets sa mga estudyante noong ika-3 ng Oktubre, 2022 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Pinamunuan ni Batangas Governor Hermilando “Dodo” Mandanas ang pamamahagi ng mga educational gadgets sa mga mag-aaral ng senior high schools mula sa bayan ng Nasugbu, Lobo,San Luis, Ibaan, Balete, Padre Garcia, at San Jose. Nagbigay din ito ng munting tagubilin sa mga mag-aaral at guro, na sa tulong ng ganitong mga programa at teknolohiya ay lalong maipamalas ang sipag, talino at potensiyal ng mga mag-aaral na Batangueño, hindi lamang sa pambansang lebel kung hindi pati sa buong mundo.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi pa rin ng serye ng pagbibigay ng tulong na nakatuon sa edukasyon, kasama na ang mga nagdaan na pamamahagi ng laptop sa mga pampublikong guro at tuloy-tuloy na educational assistance na nagpapakita ng pagpapahalaga ng pamahalaang panlalawigan sa mga mag-aaral at guro, na siyang humuhubog sa susunod na henerasyon.

Gian Marco Escamillas, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.