Luzon RDCOMM. Mahahalagang talakayan ang naganap ng pangunahan ni Batangas Governor Dodo Mandanas ang Luzon Regional Development Committee 2017 Fourth Quarter Meeting na ginanap sa Angeles City Hall, Angeles City, Pampanga noong ika-24 ng Oktubre 2017. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO
October 27, 2017

Pinangunahan ni Batangas Governor Dodo Mandanas ang Luzon Regional Development Committee 2017 Fourth Quarter Meeting na ginanap sa Angeles City Hall, Angeles City, Pampanga noong ika-24 ng Oktubre 2017.
Ilan sa mga naging kaganapan sa pagpupulong ang updates sa naging Avian Flu outbreak sa Pampanga at Nueva Ecija na ipinakita ng Department of Agriculture – Bureau of Animal Industry; talakayan sa pag-amyenda ng Electric Power Industry Reform Act ng Region II – Cagayan Valley Regional Development Council (RDC); at ulat sa security threats sa Luzon ng Armed Forces of the Philippines.
Ipinakita rin ng host city, sa pangunguna ni Angeles City Mayor Edgardo Pamintuan, Region III – Central Luzon RDC Chairperson, ang command center ng kanilang Disaster Risk Reduction and Management Office.
Si Gov. Mandanas ay buong pagkakaisang inihalal bilang chairperson ng National Economic and Development Authority (NEDA) Regional Development Committee (RDComm) for Luzon Area noong May 2, 2017 ng mga chairpersons ng Regional Development Councils ng lahat ng rehiyon sa Luzon. Jenny Asilo Aguilera – Batangas Capitol PIO