Senior Citizens Celebration, Ginanap sa Kapitolyo

Edukasyon, Kabuhayan, Kalusugan Tututukan sa Taong 2017-2018
October 26, 2017
Luzon Dev’t. Committee 4th Qtr Meeting sa Angeles, Pinangunahan ni Gov. Dodo
October 27, 2017

October 27, 2017

Lolo, Lola and Apo Talent Showdown and Tripe Treat (na libreng hair cut, massage at manicure/pedicure). Ito ang mga tampok na aktibidad sa Senior Citizens’ Week celebration noong ika-23 ng Oktubre 2017 sa Provincial Auditorium, Lungsod ng Batangas.

Ang masayang pakulo para sa mga Batangueno senior citizens ay isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pagtutulungan ng Provincial Social Welfare and Development Office at Provincial Office for Senior Citizens Affairs (POSCA).

Iniuwi ni Gng. Rita de Guzman at ng kanyang apo mula sa Laurel ang PhP10,000 first prize nang tanghalin silang kampeon sa ipinamalas na song and dance number. Second placer ang song and dance tandem nina Ginoong Pio Arguelles ng Taysan, na nagwagi ng PhP7,000 at 3rd placer sina Gng. Juana Cabral ng Balayan, na nanalo ng PhP5,000 sa kanilang awitin.

Nagwagi naman ng tig-PhP3,000 consolation prizes sina Lola Estrella Aguilera ng Alitagtag, Lola Teodora Bagon ng Batangas City at Lola Nelly Alzate ng Lipa City. Nahirang namang Lola Ganda si Gng Macaria Vergara ng Lian at Lolo Pogi si Ginoong Leodegario Macatangay ng Rosario.

Nagbigay ng mensahe si Batangas Gov. Dodo Mandanas, na pinangunahan din ang oath taking ceremony ng mga miyembro ng League of OSCA Heads ng Batangas Province.

Kabilang sa mga nakisaya at nakiisa sa pagtitipon ng mga nakatatandang Batangueno sina POSCA Head Roman Rosales; PSWDO Dept. Head Joy Montalbo; Sr Board Member Wheng Sombrano Africa, Chairperson ng Sangguniang Panlalawigan Committee on Social Welfare and Committee on the Elderly; Jorgia Bianzon, Acting President ng Federation of Senior Citizens of the Province of Batangas; OSCA League President Nicolas Chavez at Dir. Leticia Diokno, Regional Director ng DSWD Region IV-A. Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.